✨ Chapter 1.2 ✨

567 21 5
                                    

***

"Mommy!! It's Mommy!" Sambit ni Bria. Nakatingala at itinuturo ang isang painting sa isang exhibit. Nilingon naman siya ng estrangherang nakatitig rin sa painting na nasa harapan nilang dalawa.




"Mommy, mommy, mommy!!" Tumatalon talon pa ito na animo'y inaabot ang mukha ng painting na tinutukoy niya.




"No, it's not your mommy." Malumanay na sagot ng estrangherang iyon. Natatawa pa ito dahil alam niyang ang mukha ng nakapinta roon ay base lamang sa isang imahinasyon at hindi totoong tao.





"That's my mom!" The kid stared at her. Hindi ito nagpatalo dahil naniniwala talaga ito na mukha ni Samantha ang nakapinta roon.





"No, it's not." Naupo ang estranghera sa tapat ni Bria upang pantayan ito. Tila ba isang pang aasar ito sa pandinig ng bata.




"It's mommy!" Bria crossed her arms. Parehas nilang tinitigan ang isa't isa na animo'y nagpapaligsahan sa isang talent show.




"It's.Not.Your.Mom." pagdidiin ng estranghera na dahilan upang bumagsak ang mga balikat ni Bria. Hindi na namalayan nito na naging dahilan na ng pagpatak ng luha niya ang matagal na pakiki pagtitigan rito.






"MOMMY!!!" Tumili ito na dahilan upang magpanic ang estranghera. Bumagsak pa ito sa pagkakaupo dahil sa lakas ng iyak ng bata.





Hindi tuloy nito alam ang gagawin niya.





"Hey, hey, hey!" Hindi niya naman magawang hawakan ang bata dahil baka makasuhan pa siya bigla ng child abuse o di kaya naman physical abuse.





Sinubukan niyang pakalmahin si Bria gamit ang kanyang boses.





"Please, stop crying. I'm not trying to hurt you." Sa pagkakataong iyon, dumating si Samantha. Agad niyang nilapitan si Bria at niyakap ito nang mahigpit.





"What's wrong, sweetie?" tanong ni Samantha, puno ng pag-aalala.





"She said it's not you!" isinusumbong ni Bria habang patuloy sa pag-iyak. Salubong naman ang kilay ni Samantha nang makitang wala namang kausap ang kaniyang anak.





"Who's with you?" Nagtatakang tanong nito.





Marahas na pinunasan ni Bria ang luha sa kaniyang mga mata. At nang maging malinaw ang paningin niya ay saka naman nawala ang estrangherang kausap niya kanina lang.






Nagpalinga linga pa ito sa paligid at hindi na niya nakita ang kanina lang ay kausap niya.




Kinilabutan si Samantha at napayakap nang mas mahigpit kay Bria.






"It's okay, sweetie. Maybe you were just imagining things," wika ni Samantha, pilit pinakakalma ang sarili pati na rin ang anak.






Ngunit ang mas nagpatayo ng mga balahibo niya ang makita ang sariling mukha sa isang portrait na painting.






Nakapinta roon ang isang babaeng may kaparehong mga mata, ngiti, at lahat ng detalye sa mukha ni Samantha.








"That's you, mommy!" tila nanumbalik naman ang sigla ni Bria nang makita ang ina na titig na titig sa painting na iyon.







"Yeah, it's me," sabi ni Samantha, hindi nililingon ang bata. Sinikap niyang maging kalmado ngunit ramdam niya ang lamig na gumapang sa kanyang katawan.






Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon