***
"May lakad ka?" Mula sa pinto ng kwarto ni Cheska ay sumulpot ang naka apron na si Allison. Pansin nito ang ilang mga damit na isinisilid nito sa isang itim na bag.
"Aalis tayo!" Excited ang itsura nito at mabilis na tinakbo si Allison sa pinto. Niyapos niya ang beywang nito at isinandal ang kaniyang ulo sa dibdib ng kapareha.
"It's our anniversary! Doon tayo sa rest house mo mag celebrate." Gumanti naman ng yakap si Allison kahit pa may hawak pa itong sandok.
"Rest house? May rest house ako?" Tila hindi makapaniwala si Allison sa narinig mula kay Cheska.
"Uhm, oo babe. Rest house natin." Cheska smiled genuinely ngunit bakas pa rin kay Allison ang pagtataka. Napapikit pa siya upang alalahanin ang sinasabing rest house ni Cheska ngunit hindi iyon rumerehistro sa utak niya.
"O——Okay ka lang babe?" Humiwalay sa pagkakayakap si Cheska nang mapansin ang bigla na lamang pamumutla ni Allison. Inalalayan niya itong maglakad patungo sa sofa at saka pinaupo doon.
"Bigla na lang sumakit yung ulo ko nung binanggit mo yung rest house natin." Isinandal ni Allison ang ulo niya sa balikat ni Cheska. Pakiramdam niya ay binabarena ang ulo niya sa sobrang sakit.
"Hindi kaya, yan yung epekto ng gamot na nireseta sayo ng doctor?" Nagkibikit balikat lamang sa Allison sa tanong na iyon ni Cheska. Hindi niya alam kung ano ba ang tinutukoy na gamot ng dalaga. Basta kung ano lang ang iabot sa kaniya nito ay agad niya ring iniinom.
"Wala ka bang maalala?" Umiling lamang si Allison nakapikit lamang ito at hindi pa rin humuhupa ang sakit ng ulo niya. Binalot ng tuwa ang puso ni Cheska sa naging sagot ni Allison sa tanong niyang iyon.
"Gumagaling ka na babe. Hindi ka na nagkakaroon ng hallucinations at sa tingin ko unti unti na ring nabubura ang trauma mo mula sa nakaraan." Nakita niya ang matamis na ngiti ni Allison.
"Akin na nga 'yang sandok, tatapusin ko na yung niluluto mo." Akmang tatayo si Cheska nang bigla na lamang siyang hatakin muli ni Allison paupo.
"Hindi ko alam kung bakit gusto kong sabihin sayo 'to, Cheska." Tila gustong magpalamon ng dalaga sa mga titig sa kaniya ni Allison. Ngayon niya lamang naranasan ang titigan siya ng ganito kalalim. Para bang may mensaheng gustong iparating ang mga mata niya.
"Ma--"
"Ma--" Cheska mouthed it. Nanlaki ang mga mata niya. At nararamdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib niya.
"Ma--" Ulit pa ni Allison at saka hinaplos nito ang pisngi ng dalaga. Sinundan naman sarili niyang kamay ang kamay ni Allison at saka hinaplos rin ito. Dinadama nito ang mga hawak sa kaniya na ngayon niya lang naranasan mula rito.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...