Chapter 42

1.2K 36 2
                                    

Allison's POV

"Boss!" Tanaw ko mula sa labas ng coffee shop si Dex habang abala pa rin ako sa pag aayos ng Mugs Coffee. Kaunting budget pa ay mabubuksan na namin ito ni Cheska sa publiko.



Dex looks so happy, kumakaway pa ito pagkababa niya ng sasakyan. At ngayon nga ay halos takbuhin na nito ang kinaroroonan ko mula sa pinagparadahan niya ng kaniyang sasakyan.




Hindi naman ako nag atubiling salubungin na lamang siya sa labas dahil pati ako ay tila na eexcite sa kasiyahang nararamdaman niya.



"What makes you come here?" Sinindihan ko ang isang stick ng sigarilyo habang hinihintay ang sagot ni Dex habang hawak ang dalawang tuhod at hingal na hingal pa.




"I have a good news for you!" Malaki ang ngiti nito. Tinapunan ko siya ng tingin, hindi magiging ganito kasaya si Dex kung hindi magandang balita ang maibibigay niya sa akin.





"May buyer na ang rest house mo, boss!" Nanlaki ang mga mata ko at unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko.



"Talaga? Sino?" Muli akong humithit sa sigarilyong hawak ko. Nakaramdam ako ng labis na kasiyahan sa balitang natanggap ko. Sigurado akong pati si Cheska ay magiging masaya kapag ipinaalam ko na sa kaniya ito. Kahit papaano ay makakabawi na ako sa lahat ng itinulong niya sa akin noon.



"Mag asawa boss na galing sa Canada. At ang sabi nila, kapag ang owner daw mismo ang nakausap nila ay dodoblehin nila ang presyo nito." Bulong nito sa akin na animo'y may ibang tao sa paligid namin na ayaw niyang may makarinig.






"Then call them, Dex. Let's meet them sa rest house today. Mag aayos lang ako." Hindi na ako nagdalawang isip pa na ibenta ang rest house ko. Tumango lamang si Dex at mabilis na kinuha mula sa bulsa niya ang cellphone upang tawagan ang buyer na tinutukoy niya.






"By the way Dex, thank you. Ibibigay ko ang tamang commission na nararapat sa'yo." I tap his shoulder as I sign that I am really thankful for all his help and sacrifices. Pinili niyang magtrabaho para sa akin at sa lola ko kahit pa malayo siya sa sarili niyang pamilya.




"Hindi ko kailangan ng commission boss. Sapat na natulungan kita, at iyon ang nagpapasaya sa akin." I smiled






"Makakauwi ka na sa pamilya mo, Dex." Nanlaki ang mga mata nito at tila ba ay naiyak sa inihatid kong balita.





"Yung komisyon na iyon ay makakatulong sa'yo at sa pamilya mo. Hindi mo na ako kailangang pagsilbihan. Salamat sa serbisyo mo Dex." Hindi ko pa man naibebenta ang rest house ay nais kong malaki ang makukuha ni Dex. I know how he misses his family. Sapat na ang ilang taon niyang pagseserbisyo para sa akin at sa lola ko.






"Ako nalang ang magsasabi kay Lola na pinauwi na kita sa pamilya mo." Maluha luha itong yumakap sa akin at paulit ulit na nagpasalamat. Gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya. Si Dex ang tumayong ama ko mula noong iniwan ako ng mga sariling kong magulang sa puder ni Lola. At totoong malaki ang utang na loob ko sa kaniya.






Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon