***
"Ahhgg——" Mabilis na napabalikwas si Samantha nang mapagtantong hindi siya sa sariling kwarto at kama niya nakatulog. Sapo ang makirot na ulo ay inilibot ng dalaga ang paningin sa paligid. Wala siyang maalala sa mga nangyari at kung paano siya nakarating sa lugar na iyon.
"Gising ka na pala." Nakangiting tumambad sa pinto ang mukha ng binatang may dala dalang food tray. Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang mapagtanto niyang kwarto pala iyon ni Janus. Hindi siya mapakaling sinilip ang ilalim ng kumot na nabalot sa katawan niya.
Iba na ang damit niya!
"Huwag kang mag alala, walang nangyari sa atin." Mabilis na dipensa ng binata. Samantha automatically arched her eyebrows.
"Kung tatanungin mo naman kung sinong nagpalit ng damit mo, siyempre ako." Proud pa nitong banggit. Mabilis namang nahawakan ni Samantha ang unan na nasa tabi niya at akmang ihahagis kay Janus.
"Hindi ko pag iinteresan yung katawan mong puro suka, hindi ka nalang magpasalamat!" Halos pabulong na sambit ng binata at saka umirap sa ere.
"Kapal naman ng mukha mo!" Padabog na muling nahiga ang dalaga at nagtalukbong ng kumot. Bakit sa lahat ng tao ay si Janus pa ang nag aasikaso sa kaniya ng ganito?
Lasing na lasing ba siya kagabi para sumuka ng ganoon?
Kung sabagay, si Janus lang naman ang taong matatakbuhan niya sa ngayon.
"Higupin mo na muna 'tong sabaw habang mainit pa." Sinilip ni Samantha si Janus. Nakatalikod ito sa kaniya habang inaasikaso ang pagkain nito.
"Sigurado ka? Walang nangyari sa atin?"
"Bakit parang dismayado ka? Gusto mo bang may mangyari?" Pang aasar nito.
"Yuck!" Umarte itong nasusuka saka bumangon at inabot nalang mula kay Janus ang mainit na sabaw na iniaalok nito.
"Kung maka yuck ka naman akala mo naman ay hindi ka nagmakaawa kagabi na magkabalikan tayo."
"HOOOY!!" Kung maaari lamang na itapon niya sa mukha ni Janus ang sabaw ay ginawa na niya, baka sakaling umimpis ang pagkakapal ng mukha nito. May pang aasar na tumawa ang binata. Hindi na rin napigilan ng dalaga ang mahawa sa tawa ni Janus.
"I missed your laugh." Napatigil ang dalaga sa pagtawa at saka niya ito inarkuhan ng kilay. Napaisip si Samantha kung kailan nga ba siya huling tumawa o huling naging masaya.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomantikIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...