Chapter 11 *SPG*

7.6K 96 4
                                    

Sam's POV




"Here are some informations you need to know before we start everything." Inilahad ni Ali ang isang itim na clear book sa harapan ko. Nagtaas ang kilay ko habang sinisipsip mula sa straw ang strawberry shake na ginawa ni Allison para sa akin. Paano niya kaya nalaman na strawberry ang paborito ko?




Kasalukuyan kaming nakaupo sa veranda habang tanaw ang magandang dagat.





"Kailangan ba talaga niyan?" Mariin kong sambit. Umupo siya sa tabi ko habang sumisipsip ng mango shake na hawak niya.





"Of course, how can we enjoy this role play, kung hindi mo aalamin ang laman niyan." Sinipat ko ang clear book.





"Ang kapal naman nito, nakakatamad basahin." Reklamo ko. Hindi naman kasi ako mahilig mag basa ng kung anu ano. Sinimulan kong buksan iyon, ano ba kasing laman nito?





Unang tumambad sa unang page nito ay may title na, MAGIC WORDS;





"The magic words are:
1.Yes Master



2. Sorry Master




3. Please Master"





Muntik akong mabulunan nang maalala ko ang hinihinging magic word ni Allison noong sinakal niya ako sa studio niya while she's playing my clit. Ano ba naman kasing malay ko sa sinasabi niya.





Nang ibuklat ko ang sumunod na page ay SAFE WORD naman ang title nun.




"Red: means stop.




Yellow : means slow down.





Green: means go for it."




Mahinang basa ko at tumango tango pa. Kunwari ay naiintindihan ko nalang dahil nakatingin sa akin si Allison habang binabasa ko iyon.





Patay na!





"You know what, hindi 'to magiging exciting kung babasahin ko 'tong lahat." Bored kong isinara iyon at tinitigan si Allison. Wala naman kasi akong masyadong naintindihan sa ipinapabasa niya sa akin. Yung ibang nilalaman nitong clear book ay naexplain naman na sa akin ni Cheska.





"Hindi pa ba tayo kakain?" Pahayag ko at tila natauhan naman si Allison mula sa pagkakatitig niya sa akin. Hindi pa kami nakakapag lunch kasi kakatapos lang din namin magtampisaw sa dagat. Umahon lang kami nung medyo tirik na ang araw, natatakot akong magbabad sa initan dahil wala naman akong dalang sunscreen. Basta nalang kasi ako dinala ng tomboy na 'to dito na walang kahit na anong dalang gamit.




"Oh. I'll cook lunch first." Sabay na kaming pumasok sa loob ng rest house at dumiretsyo na sa kusina. Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na mangyayari ang ganito.




Like, I will be a sex slave of a dominant lesbian. And I feel kinda excited. Dahil ito ang unang pagkakataon na mag eexplore ako sa kamunduhan ng sex.




Aaminin ko na naging boring ang sex life namin ni Janus. Minsan pa, ang hirap hirap niyang yayain. Kahit pa babae ako, may pangangailangan naman din ako pag dating sa sex no!




"Anong lulutuin mo?" Sinundan ko siya ng tingin habang abala siya sa pagkalkal ng laman ng ref. Tanaw ko ang malapad niyang likod na halatang sagana sa pag ggym. At ang matambok niyang puwet na parang ang sarap paluin.




Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon