"Ano, hindi ka natanggap, no?" may halong pang-aasar sa tono ni Allison habang prenteng nakasandal sa sasakyan nito sa tapat ng Sip and Savor Bistro.
"Nandito ka pa rin?" tugon ni Samantha, sabay taas ng kilay, bakas sa mukha ang inis at pagkabigla.
"Isa lang naman 'to sa mga benefits na makukuha mo kapag naging barista kita. Hatid-sundo kita sa lahat ng pupuntahan mo." malambing na sabi ni Allison, tila wala lang sa kanya ang iritasyon ni Samantha.
"I don't need y—"
"Sakay na. Let's have some lunch," sabay bukas ni Allison ng pinto ng sasakyan, iniimbita si Samantha na pumasok. Ngunit nagmatigas si Samantha at hindi siya pinansin.
"Nagluto ang mom ko, sa bahay ako magla-lunch—" bigla namang kumalam ang tiyan ni Samantha bago pa matapos ang sinasabi niya, isang tunog na hindi nakaligtas kay Allison.
Agad itong ngumiti, pilit na pinipigil ang tawa. "Mukhang nagwawala na ang mga bulate sa tiyan mo," banat ni Allison, pilyong nakangiti.
"I'll bring you to my resto instead. Mukhang hindi na aabot 'yang gutom mo sa bahay niyo." Natawa ito, na lalo pang ikinainis ni Samantha.
Wala tuloy nagawa si Samantha kundi pumasok sa loob ng sasakyan ni Allison.
Pagkapasok, agad na narinig ni Samantha ang pangalan ni Lucelle Syquia mula sa bibig ni Allison. Napakunot ang noo niya, tahimik na nakinig habang kausap ni Allison si Lucelle sa kabilang linya.
"Syquia! It's me, Allison. Remember? From the culinary school in Spain!" Masiglang bati ni Allison, walang pakialam sa presensya ni Samantha.
"Ohh yeah, Mendez! How are you?" Sagot ni Lucelle. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Samantha.
Bakit nga ba kausap ni Allison si Lucelle ngayon?
Habang nag-uusap ang dalawa, tila masaya pa sila. Hindi maintindihan ni Samantha, lalo na’t alam niyang magkaribal ang dalawa pagdating sa negosyo.
"I'm good! Napadaan ako sa resto mo kaya naisipan kong tumawag." sabi ni Allison habang sinisimulan ang makina ng sasakyan.
"Why didn’t you approach me?" tanong ni Lucelle.
"Nakita kita na may ini-interview kaya ayoko nang istorbohin pa kayo." paliwanag ni Allison.
"Oh, yeah. It’s for the barista position…"
"How was she?" tanong ni Allison, sabay sulyap kay Samantha.
"She's actually good. I’m impressed." sagot ni Lucelle. Parang gumaan ang loob ni Samantha saglit, ngunit ramdam pa rin niya ang kaba.
"Actually, she looks familiar." dagdag pa ni Lucelle.
"Really?" ani Allison, tila may pinaplano.
"Yeah, she mentioned she had her own café a few years ago."
"You know why it closed already?" pabirong tanong ni Allison, na sinamaan ng tingin ni Samantha.
"Because, her coffee tastes gross." Sabay tawa ni Allison, iniiwasan ang tingin ni Samantha na tila naghahamon na ng away.
Nainis si Samantha sa sinabing iyon ni Allison.
![](https://img.wattpad.com/cover/236579310-288-k188061.jpg)
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...