C50: Never Gone

64 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories
--

CHAPTER 50
"Never Gone"

BIANCA'S POV

Kahit ilang pilit kong isipin na imposible, may parte sa isip ko na final na ang iniisip na siya talaga yun, pero paanong magiging siya yun? Porket nagbabasa lang ng Eclipse, siya na agad? Pero kasi hindi naman mahikig magbasa yun, ni hindi mo nga mapapabasa ng kahit na ano yun except music sheet at lyrics ng kanta, pero Eclipse, never!!

Wait! Baka naman kasi hindi siya nagbabasa? Baka may tinitingnan siya and he used the book as a cover, but it doesn't make sense at all. The descriptions match. Teka! Bakit ba pinipilit kong gawing si Logan yun?

Kasi nga, siya na yun. My subconscious mocks me. Okay fine! Sabihin nating siya na nga yun, then what? Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Shet! Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Mali to! Argh! Mali talaga e. Haay!

Napabuntong-hininga ako at saka inihiga ang ulo sa table. Let's say, si Logan nga iyon, anong gagawin mo? Remember may Matthew ka. Erase! Isa pa yun, paano ko sasabihin kay Matthew na wala akong nararamdaman sa kanya more than friends? Bakit ba kasi ang hirap bastedin ng isang taong nandiyan palagi sayo? Lalong-lalo na sa mga panahong walang iba na magko-console sayo? Argh! Nakakabaliw!

"Anong meron? Kanina ka pa bumubuntong-hininga diyan ah." Iniangat ko ang tingin ko kay Venus na nakatingin lang sa akin. She pushed the chocolate drink sa akin. Kinuha ko naman ito at uminom.

Pero hindi maalis sa isip ko yung possibility, it is possible, pero bakit? Bakit niya gagawin yon? Knowing him? Hindi iyon magreresort sa mga ganung ka-cheesy na bagay, hindi yun mage-effort na mamilagtext sa akin, tamad magtext yun e. At chickboy yun, player, how can a player be that shy? Lalong-lalo na sa akin? It doesn't make any sense.

Haay!

Nagulat na lang ako ng biglang may humampas sa table.

"Venus! Bakit?! Anong nangyari?" She crossed her arms to her chest and pinasingkit ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Ano nga nangyari? Kanina ka pa buntong-hininga ng buntong-hininga, ano ba talaga kasing nangyari?"

Bumuntong-hininga ako. "Ayan!! Ayan ka na naman!!" Sabi niya habang nakaturo sa akin.

"Eto na nga, ikikwento na." Tumango lang siya sa akin atsaka medyo lumapit ng konti.

"Di ba nagki-kwento ako sayo about dun sa mystery texter ko? I think I have a guess kung sino siya." Tumango siya at mukhang naging excited. "Sino?"

"Si..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pumasok bigla sa cafeteria si Logan kasama si Jonathan. "Uy! Bakit? Dali nga! Sino?" Pangungulit niya sa akin.

"Mukhang seryoso ang girl talk ah." Nakangiting bati ni Jonathan kay Venus. "Yeah, may guess na raw kasi etong si Bianca kung sino mystery texter niya." Napahigpit ang hawak ko doon sa baso. Napatingin ako kay Logan na patuloy lang sa pag-inom ng juice, parang wala lang sa kanya.

"May mystery texter ka? Astig." Nakangising sabi ni Jonathan. "O sino nga yun?" Pangungulit ni Venus, I have to say a false name, hindi ko alam kung bakit naisip ko yan, pero hindi magandang idea kung sasabihin kong si Logan yung guess ko, I have to investigate, at kapag nalaman niya, if ever man na siya iyon, ay baka mas maging maingat siya.

"Si Matthew lang pala." Nakangiti kong sabi, napansin kong napahigpit ang hawak niya sa cellphone niya. "Excuse me, CR lang ako."

"Samahan na kita, baka sugurin ka pa ni Alexa ulit." Tumayo na rin si Venus at naglakad na rin kasabay ko.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon