Writinginnosense © 2014
--
CHAPTER 35
"Jealousy Attributed To Nothing"
KESHA'S POV
"Sabrina, si Sam, Jess, Kesha, Zoey and Xav." Pagpapakilala niya sa amin isa-isa. Mas maganda naman ako diyan ah? Bakit halos lumuwa na ang mata ni Xavier? Bakit na-caught niya ang attention ni Zoey? Nakakainis! Hindi sa gusto kong mapansin nila ako, we're friends and that's what it is, pero shiznit! Bakit parang naiirita kao sa kanya.
"Hi." Maikling sabi niya, all smiles pa siya. Pero hindi naman ako dapat magmaldita, mabait siya. "Hello!" Nakangiting bati ko.
"Ang plastic bakla." Bulong ni Jessica sa akin na nasa tabi ko na pala. Ngumiti lang si Sabrina tapos umupo na sila sa sofa.
"Anong plastic ka diyan?" Taas pa rin ang kilay ko at sumunod na sa pag-upo.
"E anong nangyari sa home theater namin?"
"Wala ah." Bigla akong namula. Anubayan! Wala naman talagang nangyari, bukod sa hinawakan ko yung pisngi niya, at hinawakan niya yung kam...okay wala lang. Ano bang iniisip ko? Wala namang nangyari.
"Nag-sorry lang ako." Pagputol ko sa kanya kasi baka makahalata pa sila at biglang magtanong.
"Ahmm...gusto mo ng carbonara, Sab?" Tanong ni Van dito. Wala ng bakas na nainis ito sa akin kanina. "Luto ba 'yan ni tita?" Masiglang tanong nito. Teka! Bakit ba ang lapit nito kay Van? At tita? So kilala rin niya? Sino ba talaga si Sab? I want to know her.
Agad namang tumayo si Van para ikuha siya ng pagkain, tss, wala ba siyang kamay at paa? Para namang baldado kung itrato. "Asim ng mukha ah." Pang-aasar ni Jessica.
Napatingin ako. "Ano ba! 'Wag ako Jessica nako, makikita mo..." Nakuha naman sa tingin si Jessica, isisigaw kong may gusto siya kay...okay, it's not my tale to tell.
"Uyy, saan ka nag-aaral?" Masiglang tanong ko, wala namang dahilan para hindi ako maging masaya.
"Ahh. Kakalipat ko lang...sa St. Agnes Academy." Napatango naman ako. Nandito siya pala siya para maki-celebrate sa pagkatalo namin.
"Ahh. Congrats pala, have you heard, your school won the short film category." I said casually. Am I fishing for answers? Yes, of course. Hindi lahat ng bagay sinasabi ng internet 'no. Marami kang mas malalaman sa first hand infos gaya neto. I'm so great talaga.
"Yeah, nalaman ko kanina, galing kasi ako do'n, kinuha ang sched ko. From what I've heard, transferee last year ang gumawa ng paraan para magawa yung short film." Sabi niya, and there you have it ladies and gentlemen, may silbi rin pala ang ang sasanta-santang 'to.
"Hey! Don't bug her with your questions." Panira sa moment ni Van sa patatanong ko. Hala! Ano ba 'yon? Nagtatanong lang. Makahulugan akong tiningnan ni Van, para namang alam niya yung naiisip ko. Never!!
"Eto naman, kinakausap nga e. Kapag hindi kinausap, snubber kami. Kapag kinausap, we're disturbing her. Gosh! Makaalis na nga. This party is boring, Jessica, Samantha, shopping tayo." Tumayo na ako at pumunta sa table kung saan nandun yung mga bag namin, tumayo na rin naman na sina Jessica at Samantha, alam kong kanina pa sila nabo-bore. Wala naman kasing kwenta ang party ni Van. Wala namang ibang tao. Party ba 'yon?
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Fiksi RemajaSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...