Writinginnosense © Stories
***
CHAPTER 19
"Water Above Oil"
KATH'S POV
This is so tweetable! Huhuhu.
Tweet:
What will you dojajndjidijdialw
"Ayy! Tarzan!!" Nalaglag yung phone ko nang biglang may sumundot sa tagiliran ko galing sa likod. Ano ba naman? Sino ba namang epal 'to? Ang lakas pa naman ng kiliti ko sa tagiliran.
"Alexa/Bakit—?!" Pagkalingon ko ay nawala yung ngiti ni Lucas. Ako naman nagulat. Nawala rin yung pagkainis ko.
"L-lucas?"
Nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. "So it's you." Hala! Yung nakakakilig na pagtawag niya sa pangalan ni Alexa kanina nawala. Haruu!
"Uhmm. Ahh.. Ehh.." Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko ng umalis. Naaalala ko kasi yung sinabi niya nung nakaraan sa library e. Nakakahiya. Teka! Bakit ako ang mahihiya? Ako ba ang may ginagawang kababalaghan? Hmp. Hinarap ko siya.
Haruu! Joke lang po. Hindi po ako lalaban. Nawala ang tapang ko nang makita ko yung straight face ni Lucas. Shet lang!
"S-sige. Alis na a-ako. H-hehe." Napakamot ako sa buhok ko kahit hindi naman talaga makati. Tatayo na sana ako kaso hinawakan niya ang dalawang balikat ko at pinush pababa kaya napaupo ako ulit sa bench.
Haruu! Ayoko pa pong mamatay, Lord. Marami pa akong dreams. Marami pa akong nais gawin. Marami pa akong nais kamtin. Chos!
Nakakamatay ang tingin niya. Ang talim. Hindi ko naman alam kung bakit ganyan siya kagalit, wala pa naman akong sinasabi e. Nakakaloka naman ang life.
"Wag mong ipagsasabi sa kahit kanino ang nalaman. Or else, you would not like what can I do." Tapos umalis na siya agad. G-grabe naman. Nako naman!
Walk-out king.. is that you?
***
Nung pauwi na ako, para tuloy akong aligaga. Kasi naman e. Naku po! Nag-bike na ako paikot sa village. Nadaanan ko pa nga si Bianca e. Kumaway lang ako at nagpatuloy na lang sa pagbibisikleta. Magre-review na lang ako. Kesa naman isipin ko pa sila, hindi naman siguro malala ang gagawin ni Lucas kung sakaling hindi ko sinasadyang masabi kahit kanino. Ayy! Oo nga pala, nasabi ko na kay Bianca. Paano kaya 'yon? Haaay! Bahala na. Nasabi ko naman bago pa ako sabihan ni Lucas na 'wag kong ipagkalat, hindi ko lang naman mapigilan ang sarili kong hindi dumaldal e.
![](https://img.wattpad.com/cover/3778479-288-k292396.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Novela JuvenilSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...