C16: First Kiss

127 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 16

"First Kiss"

 

 

BIANCA'S POV

 

 

"Matthew!"

Tumakbo na ako at nang malapit na ako ay humarap na siya ng nakangiti sa akin. Aabutin ko na sana yung tubig ng biglang may nagsalita sa gilid.

"Pasalamat ka paborito ko 'tong Propel na—"

"Para sa akin ba 'yang—"

Nasa tapat ako ng pinto ng band room. Wala ng tao bukod sa kanila.

At ang mas masaklap ay kaharap ko si Matthew na kukunin na ang tubig at si Logan na nakataas ang kamay at akala niya sa kanya yung tubig.

Oh sheesh! Bakit ba ako dito nagbalak magpahinga sa tapat ng pinto? At bakit malapit sa pinto ng band room siya huminto?

Napatingin ako kala Venus that is now having their brows raise.

Hala! What to do?

"Uhmm.." Ano bang dapat kong sabihin? Meron nga ba akong dapat sabihin?

"Uhmm.. L-logan.. p-para kay.. kay.. Matthew 'tong Propel." Huminga ako ng malalim ng hindi masyadong halatang kinakabahan ako sa eksenang 'to. Act normal. Bibigyan mo lang siya ng tubig, yun lang. Tapos na. Para makabawi ka kasi hindi ka naman talaga nanuod ng practice game nila.

"Uyy! Thanks. Hahaha. Pambawi man lang sa pagtulog mo sa practice namin." Napatingin ako kay Logan na nakayuko na at nakababa na ang kamay. Napakagat ako sa labi ko. Ano ba 'tong ginagawa ko? Hindi naman ako gano'n kasama para tratuhin siya ng masama. Kahit papano.. mahal ko pa rin siya.

"Bianca?" Napatingin ako kay Matthew na kasalukuyang nakatingin na pala kay Logan.

Shet! Ang awkward naman ng moment. And thank God dahil ngayon naisipan ni Venus na manahimik. OMG! Paano 'to kung dumaldal din si Venus?

Pero nagulat ako ng biglang umayos ng tingin si Logan sa amin at ngumiti.

"Bro. Musta na?" Lumapit siya kay Matthew at pinag-untog nila yung mga kamao nila. "Bro, what's with your sentiment, kanina? I nearly doubt if it's you or not." Natatawa pa si Matthew.

"Wala 'yon. Nauuhaw na kasi ako e. Nga pala. This is Matthew. Kilala niyo naman siya 'di ba? Childhood friend ko siya." Ngumiti lang sila sa kanya. "Bro." Nagtanguan sila at pinag-untog din nila Jonathan and Mio kay Matthew yung mga kamao nila. Wala na naman pala si Lucas. But I don't care.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon