C63: Coincidence

69 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

 

CHAPTER 63

"Coincidence"

 

MARIA CLARA'S POV

Coincidence. Ayan ang bagay na sigurado ako sa mga nangyayari ngayon, wala akong ideya kung paano niya nalaman na ako yun, pero sa palagay ko, dahil yun sa text ng isa sa mga kaibigan ko.

Nasa kwarto ako at nanunuod ng Anime, hindi naman ako mahilig manuod ng Anime dati, pero ewan ko ba, aksidente ko kasing napanuod yung Prince of Tennis habang nanunuod ang pinsan ko, at sobra akong nagandahan kaya naman nanuod ako ng mga mainstream na Anime, mula sa Detective Conan, Fushi Giyugi, Special A, Deathnote hanggang sa tuloy-tuloy na, hanggang sa pati episodes ng Fairy Tail inaabangan ko na, Naruto pati Bleach. Pero sa lahat ng genre, ang pinakagusto ko ay yung Romance-Humor, at ngayong nanunuod ako ng latest episode ng Fairy Tail.

 

Sumali rin ako sa Otaku Club sa school namin, nagulat nga ako na marami rin palang adik sa Anime sa school. Habang nanunuod ako ay tumunog ang phone ko. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa laptop ko habang nanunuod. Ang ganda talaga nito, sinagot ko ang tawag ng hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.

 

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya, medyo matagal bago siya nakasagot. "Are you a bee?" Napahinto ako at napatingin sa screen ng phone ko, unregistered number. Pero parag pamilyar yung boses. Pinause ko yung pinapanuod ko at tiningnan ko ulit yung screen ng phone ko para makasigurado akong unregistered number nga.

 

Baka wrong number to, at hindi naman ako ganun ka barbaric para hindi ipaalam sa kanya na mali ang number na natawagan niya.

 

"Sino to? At hindi ako bubuyog. Kung wala kang magawang matino, tumalong ka sa San Juanico Bridge." Oo, yan ang unbarbaric way ng pagsagot ko. Panggulo kasi sa panunuod e.

 

Ibinaba ko na yung phone ko at naka-focus ulit sa panunuod ng Fairy Tail nang bigla na namang tumunog ang cellphone ko, this time, tiningnan ko na muna yung screen ng cellphone ko at unregistered number ulit. Ano bang problema ng taong to?

 

"Sino ka ba?" Masungit na tanong ko, pinindot ko ulit yung space na key kasi ayokong mag-multitasking kapag nanunuod e, gusto ko focus lang ako. Focus lang. At panira itong lalaking to doon.

 

"Hello, baby, my name is Xavier Reyes, my love." Napahinto ako, napatingin ulit ako sa screen ng cellphone ko, Xavier? Ilang ulit ko na ginawa iyon to be sure pero siya ba talaga to? Matagal-tagal na rin nung huli akong nakarinig ng balita sa kanya na ako mismo ang nagtanong. Nung una, mahirap na iwasan siya pero tuwing naaalala ko si Katherine ay hindi ko maiwasang masaktan, sila ang dahilan kaya wala na siya ngayon, at wala akong ideya kung nasaan na siya ngayon.

 

Isang beses ay nakasalubong ko ang mommy niya sa supermarket pero ang sabi lang nito ay nasa lolo niya si Katherine, pagkatapos non ay wala na akong narinig na balita sa kanya. At hiyang-hiya ako dahil sa ginawa ko.

 

Napabaling ako ulit sa screen ng cellphone ko. I minimized the screen at nag-search ng pangalan ni Xavier, hindi ko siya friend pero nakita ko ang profile picture niya. Gusto ko kasing makasigurado na siya yun kaya naman agad akong nagsalita.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon