Writinginnosense © Stories
-
CHAPTER 69
"Seasons End"
LUCAS' POV
"So where do you plan to go?" I asked, we are all at the band room, plano naming magbakasyon na magkakasama ulit. At first I thought the idea of us reconciling is not good but it's worth it.
"Sa Bora na kasi." Pangungulit ni Xavier sa amin. "Bora?" Napatingin naman siya agad sa 'nililigawan' niya raw na si Maria, yung kaibigan nung Katherine dati. "Syempre, maganda yung lugar, mahangin, maganda tubig..." Pagpapaliwanag ni Xavier, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa kanya. "...at maraming babaeng naka-bikini at two-piece." She said, napatawa na lang kami dahil doon.
"Under. Under. Under!!" Sabay-sabay na chant naming mga lalaki, hindi ko alam kung kelan nagsimula pero hindi na ako yung kagaya ng dati na masyadong tahimik, hindi naman pala mahirap makisama sa lahat. Nag-fist bump pa kami ni Logan dahil sobrang nakakatawa talaga yung itsura ni Xavier, nung nalaman namin na may nililigawan siya akala namin wala lang, yung typical na week-long flavor lang pero mukhang totohanan na yata yun.
"Okay na talaga kayo no? Kinikilig ako!! Lucas plus Logan equals..." ani Bianca. "LuLo!!!" Sabay-sabay na sigaw nila except Samantha. "Gustong-gusto ko bromance niyo, konti na lang feeling ko ipagpapalit ni Logan si Bianca for Lucas." Komento ni Jessica habang nasa tabi niya si Zoey.
"Grabe!!" Sigaw ni Bianca. "Baby, handa moba akong tanggapi?" Nakangiting tanong ni Logan sa akin, ngumiti lang din ako at humawak sa kamay niya. "Oo naman baby." Nagyakap pa kami para mas maniwala sila. Tawa naman sila ng tawa habang nanunuod sa amin ni Logan.
Matagal na kaming nagkaayos, wala na yung gulo namin simula ng magkaayos sila ni Bianca, it turns out na si Bianca naman pala talaga yung gusto niyang babae.
Nang mapawi yung tawanan ay napatingin ako kay Samantha, nakangiti siya habang nakatingin kay Mio, nag-uusap sila. Masaya ako na kaya na niyang ngumiti pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi, ni hindi niya hinaharap sila mommy, siguro kami talaga ang sinisisi niya, kaya lang siya sumasama sa grupo dahil sa iba niyang mga kaibigan.
Hindi ko naman na pinipilit pa ang sarili ko, time heals all wounds. Hayaan ko siyang makapag-move on.
"Hoy, Jonathan, wag mong sasaktan yang si Venus kundi masasapak kita." Pagbabanta ko kay Jonathan, tumawa lang ito sa akin. Bestfriend ko si Venus at kaibigan ko si Jonathan pero hindi kosiya sasantuhin kapag sinaktan niya ang bestfriend ko.
Napatingin pa ako kay Mio at tumango ako, hindi ko siya palalakarin kapag sinaktan niya ang kapatid ko. Magkamatayan man.
"Kelan ka ba magkaka-girlfriend?" Tanong ni Kesha sa akin. Napangiti lang ako. Ako na lang pala sa grupo ang walang girlfriend. Napangisi ako sa kanila and shrugged my shoulders. "Wala e." Tumayo na rin ako para magpaalam dahil pupunta pa akong mall para bumili ng strings para sa electric guitar ko.
Nakasalubong ko si Alexia, hindi na gaya ng dati na ipinipilit niya yung sarili niya sa akin. Masaya na ako na ayos na ako sa mga ka-grupo ko.
Nang makarating ako doon ay sarado yung music store na binibilhan ko, may Christmas party, bakit ang aga ng party nila? Second week palang ng December.
Naglakad-lakad na lang ako para maghanap ng ibang store, hindi rin kasi akomapapakali hanggat hindi ko napapalitan yung strings, medyomabigat kasi ang kamay ko kaya madalas akong nakakaputol ng strings. Ubos na rin yung binili kong stock kaya naman no choice. Bad trip, doon pa naman kamilaging bumibili tapos ngayon pa sarado.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...