Writinginnosense © Stories
-
CHAPTER 65
"All For Nothing"
JESSICA'S POV
Nakatingin lang ako doon sa mga estudyanteng hindi pa rin makapaniwala na ayos na ang Ec at JN. Magkakasama kami ngayon nila Kesha, walang activities today dahil sa faculty party, wala kasing mago-oversee sa booth at club activities kahit sabihin pa na students naman ang nag-organize ng lahat, dumiretso lang kami doon sa tambayan ng EC dahil yung banda ay nagpa-practice habang wala si Venus. Meron kasi silang performance sa end of foundation week.
Pagkadating namin doon ay nakita ko si Zoey na nagbabasa ng isang magazine. "Zo-" Hindi ko na naituloy pang batiin siya dahil sa bigla na lang siyang tumayo at umalis.
Sandali kaming napatahimik doon. Pakiramdam ko nasaktan na naman ako, ilang beses na ba akong parang nari-reject? Ilang beses na ba akong niri-reject ni Zoey? Ilang beses na ba akong dini-dedma ni Zoey? Ilang beses na ba akong nagsubok na mag-reach out sa kanya? Pero lagi lang akong parang hindi nage-exist. Parang hangin na dinadaan-daanan lang ako.
At kahit nasasaktan ako, wala naman akong magawa.
It feels like all of my efforts are nothing to him.
Napansin ko na halos isang taon na ganun siya, hindi siya nagsasalita pero nararamdaman ko that he's drifting away. I am happy nung sumama siya sa amin sa Batangas pero wala lang din siya, he participated pero hindi naman siya nagsasalita, I tried to initiate a conversation pero lagi lang itong natatapos ng ganun-ganun na lang.
"What's up with him?" Kesha asked me. Napayuko ako. Madalas na ako yung tinatanong nila dahil ako lang naman ang nagti-tyaga na kausapin siya. Ako lang naman yung hindi nagsasawang kulitin siya kahit ang ending ay dedma lang ako, wala e, mahal ko.
Matagal na, kaya nga siguro mas lalo akong nainis kay Katherine dati, dahil don, kasi siya kahit sa simpleng katuwaan, napansin siya ni Zoey. She got to see him smile na kahit kailan ay hindi niya nagawang ibigay sa akin.
"Hindi ko alam." Sagot ko at dumiretso na sa sofa. "Bakit si Jessica ang tinatanong mo?" Takang tanong ni Venus. "She likes Zoey." Kaswal na sagot ni Kesha kaya agad naman akong namula sa hiya, ang blunt masyado, wala man lang preno. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Kesha.
"Sabi ko sayo, ayaw mong maniwala." Napatingin ako kay Bianca na nakatingin kay Venus. "H-how did you know?" Nahihiya kong tanong, medyo naiilang kasi ako na ako ang topic at ang love interest, kahit naman na puro kami mga babae ay nakakahiya pa rin plus lahat sila may love life na, ako lang ang wala.
"Halata sa paraan ng pagtingin mo kay Zoey, may sparks." Nakangiting paliwanag ni Bianca sa akin, grabe! Nakakahiya! "Wag kang mahiya, dumaan din kami diyan." Napatingin ako ulit kay Bianca, nakangiti pa rin siya sa akin.
Sana nga mangyari rin sa akin yung nangyari sa kanila, na in the end, nagkatuluyan rin sila. Sana.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...