C07: The Real Brat pt 3

151 11 5
                                    

Writinginnosense © 2014

***

 

 

CHAPTER 7

"The Real Brat (Part Three)"

 

 

SAMANTHA'S POV

"Mommy?"

Nanahimik yung medyo maingay na klase. Maya-maya, sabay-sabay silang tumayo para i-greet si mommy

Being the biggest investor of St. Aloysius, talagang iginagalang siya.

Tumalikod siya. And I knew it already, parang she motioned me to follow her

Naglakad na ako ng taas-noo sa klase na tahimik pa rin. I should held my head up high, my tiara might fall. Tiara of being the one and only Samantha Steffan. And there, nakita ko si Lucas na naka-smirk sa akin. Tsk! Sumbungero. Nakakainis siya!

"Yan ang napala mo sa pagpapahiya sa akin.

Naglakad siya papunta sa pinto pero papatalo ba ako? Hindi! Kahit nandiyan si mommy.

"Talaga? Hindi mo ba kayang makipagsagutan sa akin kaya nagsumbong ka na lang? That's nice.. KUYA!"

I put conviction to 'kuya', pikon na pikon na ako sa kanya. Sa totoo lang, pero hindi ko lang mailabas dahil ayokong ng isang uncivilized manner ng pag-approach sa kaaway.

Yeah right! Kaaway! Kaaway ang trato ko sa kanya. Kaaway! Grrrrrr. Namumula na ako by just thinking his immaturity.

"No twin sister.. ganito lang talaga ang taong disiplinado. Sa palagay mo.. anong mangyayari kapag ang isang may breed na aso ay pinatulan sa pakikipagtahulan ang asong kalye?"

Tapos I saw a smirk form in his lips bago tuluyang pumasok sa room. Nakita kong lumapit ang JN sa kanya at nag-apiran pa sila.

Alam ko na ang buong klase ay inaabangan ang sagutan namin ng aking twin brother who happened to be my rival na sa hindi pa nag-uumpisang laban.. ay talo na agad ako.

Huminga ako ng malalim. "Miss, si Mrs. Steffan po ay naghihintay sa administrator's office."

Sa office ni mommy sa school na 'to na bibihira lang naman niya puntahan, at dahil special occasion ngayon ay pumunta siya.

Para pagalitan ako dahil ipinahiya ko ang successor ng mga Steffan. Naglakad na rin ako. Ang mga estudyante, ilag sa akin, nakabantay sa akin ang mga butlers ko sa paligid ko eh. It is to state that, I am wealthy at kaya ko silang sipain paalis ng ASA. Para ipakita na sa social class, we're way higher than them.

Pagkarating ko sa tapat ng office ay kakatok pa sana si John dahil ayaw ni mommy ng hindi kumakatok bago pumasok sa isang room pero binuksan ko na ito agad.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon