Writinginnosense Stories © 2014
***
Chapter 25
"Simplicity"
KATH'S POV
Monday morning.
Hindi ko alam kung bakit these past days ang aga ko na magising, feeling ko tuloy magkakasakit na ako. Ganto ba kapag inspired? Nung nasa bahay nga kami nila Maria kinabog ko si Zoey e, este si Ully pala. Hala! Ang aga-aga e. Chor!
Agad naman akong naligo at bumaba afterwards, "Good Morning momsee at kuyas!" Pagbati ko sa kanila nang makita ko sila sa baba.
"Mom, may sakit yata talaga si Kat-Kat!" sigaw ni Kuya Zeek.
"Momsee o! Si kuya!" tampo-tampuhan kong sabi. Minsan na nga lang magising ng maaga e. Sa inspired e. Inspired!
"Hayaan mo na Zeek. Ganyan talaga kapag inspired." sabay tawa ni momsee. Napalingon naman agad si Kuya Zeek.
"Kat-kat? May boyfriend ka?" namula naman agad ako. "K-kuya...wala." sabay iling pa. Bakit ganun ang tono ng tanong ni kuya? Hindi makapaniwala? Pero wala naman talaga.
"Akala ko meron e. Haha. Kapag meron ipakilala mo ako ah!" tumango lang ako. Sobrang awkward naman pag-usapan nito. Kahit wala naman talaga akong boyfriend.
Matapos ang awkward na almusal ay umakyat ulit ako sa kwarto ko. Naligo na muna ako at nagpalit na ng school uniform. Bigla akong napatitig sa sarili ko sa salamin namin na pang-buong katawan. Huminga ako ng malalim. Mula ulo hanggang paa, mukhang paa, naisip ko.
Inayos ko ang buhok ko at itinirintas. Hindi ko alam, mukha malinis kasi tingnan e.
'Pag kababa ko ay wala na si kuya, maaga rin kasi pasok nun e. At dahil isa pa 'yong inspired laging pumapasok.
"Momsee, paalalahanan mo si popsee sa competition ko sa Friday ah." sabi ko sabay labas ng bahay. Nakuha ko na kasi yung baon. Baka nasa kwarto pa nila si momsee. Baka aalis. Sabi niya kasi kanina may pupuntahan siya.
Nagmadali na ako sa pagkuha ng bike ko.
Dahil maaga pa ako ay wala pa akong kontrabidang haharapin, ang sabi kasi nila, ang maganda raw ay laging late, hindi ko sinasadya yung akin ah. Maganda lang talaga ako. Chor!
Habang nagba-bike ako ay hindi ko mapigilang isipin si Zoey. Goodness! Ganun ba ako ka-lababo? (If you know what I mean.)
Hindi ko tuloy namalayan na nandito na pala ako sa school. "Good Morning, ang aga mo ah." Bati ni manong guard sa akin. Bakit ba ang daming nasu-surprise dahil sa aga kong pumasok?
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...