Writinginnosense © 2014
***
CHAPTER 8
"The Real Brat (Part Four)"
SAMANTHA'S POV
I opened the door. Sinalubong ako ng mga maids at butlers.
"Miss, namumula po ang pisngi niyo." Sabi ng isang maid habang aligaga at pinag-iisipan ba kung hahawakan niya yung pisngi ko o hindi.
"Don't you ever dare touch my face.. or else.."
"Miss—"
"Leave me alone. I need some time alone."
Not pleading. And I'm just stating a command. "But we are asked to—"
"But I didn't asked for you and all of you."
I said still calm. Pinipigilan ko pa rin hanggang sa moment na 'to yung nafi-feel kong pagkainis at pagkadismaya at the same time.
Naglakad na ako. Hindi ako ipinanganak para hintayin ang makukupad nilang utak sa pagsagot sa sinasabi ko.
Alam ko sinusundan nila ako. Sanay na rin siguro sila sa ganitong pag-uugali ko. Alam nila na nasasampal ako pero no one dared to state it. Dahil alam nilang ikagagalit ko 'yon.
Pumunta ako sa tapat ng Elite Circle Room. The main purpose of this room is for us to relax. May sofas, and even bed meron dito. Lahat ng kailangan namin nandito na. It was my idea.
My oh so bright idea at dahil idea ko 'to meron ring Jimmy Neutron Room. With sofas, beds, larger room, TV, wii, xbox, drum set, electric guitars personally made for their suiting need, microphone and even amplifier, speakers or equalizer, I dunno pero isa lang ang alam ko. Mas pinahalata pa nila talaga sa akin kung sino ang pinapaboran nila. Hindi masyadong halata.
At ang Lucas naman na iyon. Enjoy na enjoy sa tinatamasa niyang ligaya dahil lahat ay pabor sa kanya. Tsk. Selfish jerk!
Pagkapasok ko ay hindi na sila sumunod. What I love about this room is it's sound proof.
Pagkapasok ko sa room na 'to. Atsaka tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigil.
I was just silent. Habang pinapakiramdaman ko yung bawat luhang tumutulo sa mga mata ko.
Alam ko, maraming nag-iisip na kasalanan ko rin naman. Bakit? Itinanggi ko ba? Buong buhay ko pinipilit kong maging perfect. Pinipilit kong isiksik sa pamilya yung presensya ko. Pinipilit kong gawin lahat ng makakaya ko para mapansin din nila ako.
Sino nga naman ang hindi makakapansin sa akin? Kumbaga sa stage, dekorasyon ako. Yung tipong, pagkadating ng audience, ako ang bida, kitang-kita at pinupuri. Pero 'pag nag-umpisa na ang totoong palabas, wala ng handang pumansin sa dekorasyon kasi dekorasyon lang siya.. walang silbi.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...
