C85: Ugoy ng Duyan

82 7 0
                                    

Writinginnosense © Stories

-

CHAPTER 85

"Ugoy ng Duyan"

KATH'S POV


Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Naalala ko lahat nung nangyari kanina, it feels weird na wala na akong maramdaman. I don't feel angry, I don't feel happy. It's empty. Siguro ito ang nangyayari when you are too consumed with emotions. Parang tatakasan ka na lang bigla ng emosyon and you will feel numb. Parang tinurukan ka ng morphine and even though you have a big injury, hindi mo man lang maramdaman ang sakit.

Lumabas ako ng kwarto, maaga akong umalis doon kaya naman wala pang alas otso nang makarating ako sa bahay.

Bigla namang tumunog ang phone ko, it's Sabrina. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.

[Hi, Kath.] Rinig ko sa boses niya ang pamamalat, na para bang galing siya sa pag-iyak.

"Sab, what's up?"

[K-kath, I can't do it. Michael told me not to come looking for him ever again. Mahal nila ang isa't isa, I don't stand a chance.] Pagpapaliwanag niya, I just don't know what to say kaya naman tinapos ko lang agad yung tawag.

Wala ako sa mood para pilitin pa siya sa gusto ko.

Pababa na sana ako papuntany kitchen para uminom ng tubig nang makita kong luamabas ng kwarto nina mom and dad si Jessica at ang mama niya. Biglang kumulo ang dugo lalo na nang makita kong lumabas din galing dito si dad.

Nakatayo lang ako doon at dahil sa presensya ko ay napatingin sila sa akin. Paano nga ba ako magpapatawad sa mga taong paulit-ulit lang ginagawa ang kasalanan nila? This is frustrating. Galit ka, yet people don't realize what they did wrong.

Hindi na ako nagsalita at naglakad para lagpasan sila.

"A-anak...nandito ka na pala." Narinig kong sabi ni dad. His voice sounds weird. Parang paos na ewan. Hinarap ko lang siya with my brows raised.

"Malamang, bahay ko to. Alangan namang wala ako rito. Ang nakakapagtaka nga ay nandito sila e." Tinuro ko pa sila Jessica, and surprisingly ay para siyang anghel sa harap ni dad, hindi makabasag-pinggan sa kabaitan.

"Kath, don't be like that."

"I was actually wondering why, pero I guess wala kasi si mommy. When the cat is away, the mouse will play." Nakangiti kong sabi at nagpatuloy na sa pagbaba.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa balikat ko, paglingon ay nakita ko ang mommy ni Jessica na umiiyak.

"Y-you don't understand, Katherine. Pero-" Iniangat ko ang kamay ko, as a sign for her to stop talking. "You know what, wala naman akong paki. Oo nga pala, baka kasi may third family si dad. Maghanda ka na for that." Nakangiti kong sabi bago ko tuluyang alisin ang kamay niya sa balikat ko, nawalan ako ng mood na uminom ng tubig kaya naman dire-diretso lang ako pabalik sa loob ng kwarto ko.

-

Tulala lang akong nakatingin sa kisame, ilang oras na rin ang nakakalipas. Siguro nakaalis na ang mag-ina. Buti naman, hindi ako makaramdam ng katahimikan dahil nandito sila sa bahay. Siguro dahil doon kaya nakakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag.

Hindi tuloy ako makatulog, naiisip ko na naman yung nangyari kanina sa Homecoming Party para sa mga alumni. Naalala ko ang mga sinabi ni Ully sa akin.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon