C21: When The Ice Melts

121 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 21

"When The Ice Melts"

 

 

KATH'S POV

"It's been a tough fight for all the participating bands from the different schools in the secondary level.

"Yes, you're right, partner. Sobrang gagaling, but the question is, for our next and last contestant for this level, maipagtatanggol ba nila ang kanilang korona, or they'll get defeated? The defending champion.. none other than..

"From Academy of St. Aloysius.. The Jimmy Neutron Band!!"

"Kyaaaaaaah!!!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng sigawan dito sa Arena. Competition kasi nila e. At s'yempre nandito si Maria, pinilit niya kaming sumama kahit nagre-review pa kami ni Ully sa bahay. Hindi tuloy kami naka-hindi, kinuntsaba ba naman si momsee. Kaya wala na rin kaming nagawa. Sumama na lang kami.

Pero nandito lang kami sa isang side, nasa kabila ang mga taga-ASA, gusto pa ngang doon maki-riot ni Maria kaso ayaw namin, grabe naman kasi sila, baka mamaya bugbugin nila kami doon e.

"Go JNNNNNNNNNN!!!!" Sigawan nila. Ang ganda talaga ng boses ni Venus, no doubt with that.

Ang kanta pala nila ay "Here We Go Again" by Demi Lovato. Favorite singer ko rin si Demi e. Grabe! Pati yung judges, hindi maiwasan yung mapa-jam sa pagtugtog nila. So perfect. Hindi na talaga ako magtataka na sila yung defending champions. Para nga lang silang nagko-concert e. Yung ibang bands kasi halatang-halatang amateur at mga kinakabahan pero sila parang sanay na sanay na sa mga tao. Kunsabagay, sa atensyon na binibigay sa kanila sa school ewan ko na lang kung hindi sila masasanay.

"Logan honey!! I love you so muuuuuuuch!!! Mwuaaaaaaaah!!" Napatagilid ako ng ulo kasi yung boses ni Maria Clara grabe e. OA sa lakas. Nakakapanghina sa tinis.

"Sshh." Pagpapatahimik ni Ullysis sa kanya. Nagre-review pa rin siya hanggang dito. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakapag-concentrate kahit sobrang ingay e.

"Tsk! Mga takot sa tao.. Logan babes! Sweetheart! I lalalala-labyuuu!" Nakaka-ewan talaga 'tong si Maria Clara.

"Thank you." Hindi ko tuloy namalayan na natapos na pala ni Venus ang pagkanta. Haaay! Gusto ko ng umuwi. Wala rin naman kasi kaming ibang gagawin dito e.

Bumaba na sila ng stage. Alam ko naman na talaga na sila ang mananalo e. Sure win na 'yan. Walang-walang yung mga kalaban nila e. Sila na talaga.

Tumayo na ako. Nawiwiwi na ako e. "CR lang ako ah." Maglalakad na sana ako kaso hinawakan ni Maria Clara ang kamay ko. "Maria?!" Inirapan niya lang ako, may problema talaga siya sa pangalang Maria. "Wag kang tatakas ah." Tumango lang ako, naiihi na talaga ako e. Atsaka, hindi ko na iisipin pang tumakas, katakut-takot na pagpapagalit mula kay Maria ang matatanggap ko.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon