Writinginnosense © Stories
***CHAPTER 40
"Conflict"VENUS' POV
"Bakit mo ginagawa yun? Why not show up and tell me." I said, hindi ko ini-expect na yung silently na tumutulong sa akin ay kilala ko na ngayon.
"Kinakabahan kasi ako. Mukha ka kasing masungit." Napatingin ako sa kanya. Now that I got to study him, I find him cute. Moreno siya, medyo bilugan ang mga mata, hindi masyadong matangos ang ilong, wait -- am I really scrutinizing him? Inilihis ko ang tingin ko sa kanya at sinubukang i-focus sa iba yung tingin ko. Na-awkward ako bigla sa mga naisip ko.
"No. Hindi naman ako perpekto, I know that I needed help at some point." Totoo naman, I would need it some point and much better kung kilala ko yung tumutulong sa akin.
"E, a-ang sungit mo kasi." He said, napatawa ako, kasi totoo.
"Well, sabagay. Don't worry. I won't for you." Nginitian ko siya at para naman siyang na-awkward sa ginawa ko. Now I found his reactions cute. Pagkarating namin sa room ay pumunta na kami sa separate seats namin since hindi naman kami talaga magkatabi, pero from time to time nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Dumating na rin yung Chemistry teacher namin na hindi kami na-excuse sa subject niya, ayaw niya kasi dahil mahirap na raw ang lessons namin. Haay! Hindi tuloy kami makapag-practice dahil sunud-sunod ang klase. Malapit pa naman na yung contest, kapag talaga kami natalo, nako, alam na kung sinu-sino ang sisihin.
Pakiramdam ko nahihilo na ako bigla, Stoichiometry ang lessons at wala akong maintindihan ni-isa. I find Chemistry really hard, atsaka nung mga nakaraang araw hindi rin kami nakapasok kasi may mga dumating na visitors from othernschools at tumugtog kami, parang ang daming lessons na ang na-miss namin kaya naman hirap na hirap akong mag-catch up. Hindi ka na magaling sa subject, marami ka pang hindi nadaanang lessons, pakshet moments.
"Get one whole sheet of paper." Naloko na! May quiz pa yata. Bigla akong na-alert dahil do'n. Shet! Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong.
Nagsulat na si ma'am ng given, na hindi ko rin maintindihan. Pinipilit ko namang i-solve pero wala talaga, hindi ko ma-gets. Pinilit kong isipin kung tungkol saan ang lessons kanina, kasi wala, hindi ko na matandaan.
Bigla na lang akong napaurong ng konti ng may bumangga sa balikat ko. Napatingin ako sa bwiset na bumangga sa balikat ko, ang laki-laki ng daanan e. Nasa aisle kasi ako, hindi man lang nag-sorry. Humanda sa akin yun kapag nalaman ko kung sino. Pagtingin ko naman sa sahig may lukot na papel, galing pa sa yellow pad. Psh! Nagkalat pa. Hindi na natakot na isang Venus ang pinagtripan.
Tiningnan ko yung papel at nagulat ako na yun yung mga sagot yata sa quiz. Napatingin ako sa likod at nakita kong nakatingin si Adrian na nakatingin sa akin at nakangiti, ngumiti din ako pabalik. Talagang siniseryoso niya ang pagiging tagapagligtas niya sa akin ah. Napatingin naman ako sa lalaking nasa likod ko na nakatingin din sa tinitingnan ko. "Bakit ka tumitingin?" Tanong ko kay Jonathan. He just shrugged and continue to solve.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...