C59: Life Support

98 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories
--

CHAPTER 59
"Life Support"

MIO'S POV

"Kamusta na si Samantha?" Tanong ni Lucas sa akin habang nasa CR kami, hindi niya kasi ako makausap kapag nandoon kami sa loob dahil sa ako lang ang kinakausap ni Samantha, it's a relief dahil kahit papano ay nagsasalita na siya, kumakain naman siya kapag sinasabayan ko at kahit na nandoon ang parents niya ay hindi siya umaalis sa harap ng kabaong ng lolo niya. Hindi na rin muna ako pumasok dahil sa gusto ko siyang samahan at damayan.

It felt like I was her life support, kaya nandito lang ako para sa kanya. "Wag kang mag-alala, kumpara sa mga nakaraang araw, mas okay na siya ngayon. Yun lang talaga, nag-iiba pa rin yung timpla niya kapag nababanggit ko o ang parents mo. Ayokong i-push yung idea sa kanya dahil sa ayokong ma-stress siya kaya naman hanggat maaari ay iniiwasan ko iyong mapag-usapan. Kinakausap niya rin sila Kesha kahit papano pero madalas, ay nasusungitan niya ang mga ito. Hindi ko rin alam kung bakit ayos siya sa akin, pero hindi kona tinatanong iyon, dahil ang mahalaga, may masasandalan siya.

"Salamat talaga, bro. We owe you this. Mom and dad are thanking you." Tumango lang ako kay Lucas and tapped his shoulder before going out of the comfort room. Pagkalabas ko ay lumapit na ako kay Samantha na nakatulala ulit sa kabaong ng lolo niya, nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang lungkot ng mga mata niya, nung nakaraang araw, nung umiyak siya sa balikat ko, halos madurog ang puso ko, pero wala akong nagawa kundi ang amuhin sya, at yakapin lang siya, habang iyak siya ng iyak.

Halos madurog ang puso ko dahil doon, siguro ay matagal niyang kinimkim yung sakit na nararamdaman niya, dahil damang-dama ko rin yun habang yakap ko siya. Doon ko lang siya ulit nakitang umiyak, at sobra akong nanghina dahil doon, dahil alam kong kapag umiyak siya, ibig sabihin, talagang nasasaktan siya.

Kinabukasan ay inilibing na ang lolo niya, alam kong nasasaktan siya, alam kongnahihirapan siya pero hindi niya iyon pinapakita sa iba, habang ang ilan sa mga kamag-anak nila ay umiiyak, siya lang ang nasa tabi ang hindi umiiyak. Nakatitig lang siya doon sa kabaong habang hawak-hawak ang isang puting rosas.

Lumapit ako sa kanya at tumabi, lumingon siya sa akin kaya naman binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

Natapos ang araw na iyon na hindi siya nagsasalita, alam kong kabastusan itong naiisip ko pero hindi ko na natiis na nakikita ko siyang walang emosyon kaya naman agad ko siya hinila pagkatapos ng libing ng lolo niya.

Nagtataka siya sa ginawa ko pero hindi siya nagsasalita, pumara ako ng taxi at sinabi ko kung saan kami pupunta, nakatingin lang siya sa akin na para bang gustong itanong kung saan kami pupunta kaya naman ngumiti lang ako sa kanya. "Hindi ko na kasi kayang makita kang ganyan, kaya dadalhin kita sa lugar na alam kong magiging masaya ka." Nakangiti kong sabi sa kanya, walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nanatiling poker face.

"Ngingiti ka rin..." Pabulong kong sabi. Hindi naman din nagtagal at nakarating din kami doon sa mall kung saan kami nagkikita dati kapag gusto naming mag-meet, yung walang makakakita sa amin. Dinala ko siya agad sa Timezone dahil sa gusto kong laruin ang mga larong nilalaro namin lagi doon.

"Bakit tayo nandito?" Tanong niya sa akin. "Wala lang, gusto ko namang makita ang ngiti mo, binibining ganda, nakaka-miss ng makita ang ngiti mong kay tamis-tamis!" Nakangisi kong sabi, takte! Mukha na yata akong tanga rito habang sinasabi ko iyon sa kanya, pero mukhang epektibo naman dahil kahit papano at kahit saglit lang ay napangiti siya sa biro ko.
"Ayan, ganyang ngiti." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa magkabilang pisngi niya at pilit itinataas ang magkabilang labi niya para ngumiti, agad naman niyang tinapik ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Alam mong ayokong hinahawakan ako sa mukha, atsaka baka madumi ang kamay mo." Umarte naman ako na parang nasaktan sa sinabi niya, although alam ko naman na ayaw niyang nahahawakan sa mukha.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon