Writinginnosense © 2014
***
CHAPTER 11
"Denied"
KATH'S POV
"Bianca? What now? Anong ginagawa mo kasama ang loser na 'yan?" Napayuko na lang ako sa sinabi ni Venus.
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam eh, baka i-deny niya ako. Pero wag naman sana. Pinsan, 'wag naman.
"Ahh. H-hindi kami m-magkasama." Hindi nakatinging saad nito. And there I feel betrayed by someone who has the same blood as mine. Hindi ko naman siya masisisi pero pinsan niya ako eh.
Hindi lang basta pinsan, bestfriend at tinuturing na kapatid ko na siya pero bakit ganto? Lalo akong napayuko sa mga iniisip ko. Nararamdaman ko rin yung pag-init ng sulok ng mga mata ko.
"Well, I'm not satisfied with what are you saying." Madiing sabi ni Venus. Hindi pa ba siya masaya? Finally, my cousin denied me!
Not in my wildest imagination, na ide-deny ako ng pinsan ko, pero ano 'to ngayon? Akala ko.. akala ko lang pala 'yon.
"A-ano bang gagawin ko para maniwala ka?"
"Ibuhos mo sa kanya 'yang hawak mo. And there you can prove to us that there is nothing happening between the two of you."
Napalunok ako. Yung spaghetti? Alam ko hindi magagawa ni Bianca 'yon.
Narinig ko yung rattle ng pagbukas niya sa lunch box. Awww. I didn't expected this. Akala ko kahit sa salitang pinsan, mapanghahawakan ko. Pero.. wala.. ang sakit potek! TT~TT
Pero hindi.. I believe on her. Baka nag-iisip lang siya ng p'wedeng sabihin para hindi na niya maituloy yung ipinapagawa sa kanya ni Venus.
"What now Bianca?" Asik ni Venus.
*splash*
Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. G-ginawa ni Bianca. Paano niya nagawa sa akin 'to? Bakit ginawa niya 'to?
"Kaya mo naman pala eh. Pinatagal mo pa. Let's go guys, ayoko na rito, bad air." Tapos tumalikod na sila sa amin. Nakayuko lang ako. Si Bianca naman hindi makatingin sa akin. Siya kasi yung tipo na hindi naman talaga masama ang ugali. Naiintindihan ko naman siya eh. Hindi ako galit, pero hindi ko siya kayang kausapin ngayon. Oo, nagdadamdam ako. Naghihinanakit ba. Ikaw kaya i-deneny ka na nga, tinapunan ka pa ng spaghetti sa ulo, syet! Ang sarap pa naman ng spag ni tita tapos itatapon lang? Ang daming batang magugutom! S'yempre, sagot ng mga Pilipino, kapag inubos ko ba 'to mabubusog sila? Ang sagot ko naman, pero madadagdag ka sa kanila ang kaibahan nga lang meron kang makakain pero sinayang mo lang pero sila wala talaga. Bakit ba ako napadpad diyan?
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...