C14: Falling For a Casanova

154 11 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 14

"Falling For A Casanova"

 

 

BIANCA'S POV

"Waaaaaaaaahhhh!!! JN!! Why so pogi?" Napangiti lang ako habang nakaupo sa bench sa tabi ng stage ng band room. Nandoon sa entrance ng room yung mga fans/followers ng Jimmy Neutron. Actually, I never knew that this band would be this big, I mean, hindi naman big as superstars sila, yeah, superstars sila pero sa mga schools lang na merong Battle Of The Bands, as far as I know lang naman. At doon sa mga nakakakilala sa kanila. Wait! Maraming nakakakilala sa kanila. Edi superstars nga? Natatawa ako sa sarili ko, ang gulo ko lang mag-explain.

"Venus, ang ganda mo talaga!!" Mas lalo akong natawa nang may sumigaw niyan. Haha. Ang benta naman ng bestfriend ko sa mga boys. Well, I really didn't wonder why. Magaling siyang kumanta, sobrang ganda pakinggan ng boses niya, she's like the Hailey Williams of ASA, at bukod pa doon, ang ganda-ganda pa niya, angelic face. At mabait siya. 'Yan yung hindi nakikita nung iba sa kaniya, sinasabi ng iba na suplada raw siya masyado at mayabang well, for me hindi siya ganun. Nagpapakatotoo lang siya, pero sa totoo niyan, ang bait niya kapag nakilala mo siya ng lubusan. But she wouldn't let anyone know her well because that means she's going to let you see the real Venus without that rocker girls mask.

"Hi! For the next song namin, I mean last for this day ay ang favorite song ng aking girlfriend."

Girlfriend ang isa sa nga tawag niya sa akin dahil hindi lang naman ako ang bestfriend niya e. Wait! Tinawag niya ako with the mic on?

Nagulat na lang ako nang tumingin silang lahat sa akin including the audience pero s'yempre isang tingin lang ang nakakapagatunaw ng puso ko..

 

Kay Logan Harrison..

Namula ako dahil kahit sumasama-sama ako sa JN ay hindi pa rin ako sanay na kahit papano ay maraming tumitingin din sa akin.

Sinenyasan ko sa tingin si Venus na umandar na naman ang kapilyahan. At kapag ganyang mga moments na 'yan ay may naiisip na kalokohan 'yan.

"And it also happens to be Logan's favorite too. Gaya-gaya ka Logan ah." Tumaas-taas na naman ang kilay ni Venus kay Logan habang sinasabi 'yon.

'Hala! Yung Clarity yung kanta.'

'Ayy! Shet! Ang pogi ni Logan ko!'

'Kyaaaah! Oo nga! Ang pogi ng baby natin.'

Nagtitilian yung mga babae sa likod ng bench na inuupuan ko.

"Hindi ah. Ang ganda kasi ni Foxes e. Haha. Pero 'di biro lang. Ang ganda kasi nung meaning no'ng kanta, kasing ganda ng nga babaeng nandito sa band room." Then he winked.

"Kyaaaaaaaah!!" All the girls gone wild. Including me pero hindi ako nakisigaw o nakitili. I just kept on smiling. Pinipigil ko nga kaso, ang hirap talaga pigilan e. Kinikilig din ako sa mga banat ng bolerong 'to. Napakapit na lang ako sa palda ko kasi baka magtata-talon na ako neto e.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon