Writinginnosense © 2014
--
CHAPTER 34
"Change Of Heart"
KESHA'S POV
Wala namang dapat i-party dito. Talo kami. And with talo, I mean 2nd place lang kami, 2nd. Ayoko ng pangalawa lang. Gusto ko laging ako o kami ang panalo dahil we deserved it.
Bakit bigla na lang sumulpot ang bwiset na entry ng St. Agnes na 'yan? Nang dahil sa kanila natalo kami. Sa iba, that won't be a big deal, after all, may place kami pero sa akin, oo. Big deal na bog deal 'yon. Tss.
Kahit sila Xavier na kung titingnan mo, walang ibang ginawa but to fool around mukhang apektado rin.
Nagpa-party si Van sa bahay nila. Tss. Inaasar yata talaga ako ng lalaking 'to. Ako kasi ang leader ng grupo kaya ako ang apektadong-apektado. Siguro rinding-rindi ka na dahil paulit-ulit na lang ako sa hindi pagtanggap sa pagkatalo.
Napatingin ako kay Jessica, kausap niya si Samantha. Ewan ko pinag-uusapan. Si Zoey naman, as usual tahimik, lagi namang tahimik 'yan e. Pero parang these past few months yung pagiging tahimik niya para siyang may iniisip. Si Xavier naman, nakikipagtext na naman. So cheap. Wala ba siyang pantawag? Well, anyways, feeling ko nakahanap na naman siya ng makaka-fling niya from I don't know where. At si Van naman...
"Ooh, baby Kesh, don't be sad na. Like we're gonna panalo naman next year e." Argh! Bwiset talagang lalaking 'to. Ginagantihan yata ako, lagi kasing mainit ang dugo ko sa lalaking 'to. Ewan ko ba. Ginaya pa kung paano ako magsalita dati.
Hindi ko na lang muna siya pinansin.
Ganyan ang gawain ng mga mature na maganda na finesse na sophisticated na magandang-magandang dalaga tulad ko. Oh sheeznit! Next month na pala ang Sweet 16 ko. I have to plan the party. Ayokong kumuha ng planner, they're like the same, atsaka ikaw din naman ang tatanungin nila ng gusto mo, so for what pa?
"Baby Kesh, try the carbonara like now na, kasi sobrang like sarap-sarap kaya." Napatingin ako ng masama sa kanya. Para siyang bakla. Teka! Bading ba 'to?
"Yung totoo Van? Bading ka ba?" Tumaas ang kilay ko. Walang effort kasi siya sa panggagaya ng boses at accent ko (although isa lang naman ang accent ng mga conyo, parrrang nakakairrrita marrrinig), siguro pina-practice niya gabi-gabi dahil gusto niyang maging ako.
Tumaas din ang kilay niya. In fairness, gwapo din 'tong si Van. Siya lang talaga ang hindi ko ka-close sa EC. Kahit kababata ko naman din siya. Mas close ko pa nga ang tahimik na si Zoey, inaanak kasi ako ng dad niya. Hindi ko rin alam. Everything about Van is annoying, kaya imbis na kausapin ko siya, lagi ko siyang nasisigawan. Ang ganda ng mata niya. I smirk, maswerte siya kapag narinig niyang sabihin ko 'yon.
"Gay? I'm not." Defensive naman neto. Diyan nahuhuli ang mga pulitiko e.
"Kaya pala may gut feeling ako na mabilis maasar sa'yo kasi naramdaman ng puso ko na insecure ka sa akin, tell me, ilan na bang kagaya ng heels at dresses ko ang nabili mo na?" Namula naman siya sa sinabi ko. Hahaha. Mang-aasar ka pa ah.
Napatayo naman si Jessica. "Kesha!!!" Nagulat ako sa inarte ni Jessica, agad 'tong lumapit kay Van na namumula pa rin pero I don't think because of kahihiyan, ewan, kinabahan tuloy ako, is it a wrong blow? I don't know. Pero hindi ko kasalanan 'yon ah. Wala akong alam.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Fiksi RemajaSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...
