C01: This is Where It Started

813 16 13
                                    

Writinginnosense © 2014

***

 

 

CHAPTER 1

"This is Where It Started"

 

KATH'S POV

 

Click.

"Alam niyo yung feeling na inlove ka pero hanggang sulyap ka lang sa minamahal mo? Masakit eh! Ang sakit sakit!"

Hawak sa dibdib at emote ng bongga.

"Pero wala naman tayong magagawa bukod sa takaw-tingin lalo na kung isa lamang tayong hamak na.. boom! Kaibigan!"

 

Boom nga.

 

"Kadalasang problema ng mga tao ay ang pagiging dictionary, lahat ng ginagawa ni crush ay binibigyan ng ibang kahulugan. At normal na ring pakiramdam naming mga babae na ma-insecure sa mga babaeng nagiging girlfriend kuno ni crush."

Napatangu-tango naman ako habang nagsasalita ang isang sikat na video blogger ng teen issues, wait! Mali! Nang mga 'love problems' ng mga kabataan sa panahon ngayon

"Iniisip natin, bakit kaya tayo hindi nagustuhan ni crush?"

 

Isa pa ulit tango. Tamang-tama ang sinasabi niya! Ang galing!

"Pangit ba ako? Maliit ba boobs ko? Hindi ba ako sexy? Yan ang mga karaniwang tanong natin sa sarili natin tuwing kinukumpara natin ang mga sarili natin sa mga kasama ng crush natin."

"Tama!!!" Hindi ko mapigilan ang side comment. Napatawa nga ako sa mga sinabi niya kasi totoong-totoo. Haaaay! Kinukumpara ko nga ang sarili ko sa laging nakakasama ng ultimate crush ko na si Van.

 

"Pero sa huli isa lang ang pinapatunguhan nating mga dictionary. Mga assuming at tanga-tanga! Hmmm.. gago pa!"

Pahabol ni ate atsaka nagpatugtog ng farewell song sa video niya.

Kaloka! Ang galing ni ate, hehehehe. Astig talaga siya kahit kailan! Up-to-date ako sa lahat ng video blogs niya. At gusto ko rin gumawa ng isa, kaso, pangit ako, paano ako makakagawa ng isang video blog? Walang manunuod nun.

Exit Youtube. Hello Twitter.

Pumunta ako sa Profile ko doon.

Name: Katherine Ashley De Silva

Username: @kathdesilva

Description: Love Guru | 15 years old | ASA-Grade 9 | Twitter Addict :)

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon