Writinginnosense © Stories
***
CHAPTER 20
"Make Me Feel"
KATH'S POV
Good Morning friends, Romans, countrymen, lend me your ears. Charr! Haha. Kagigising ko lang ang lakas agad ng topak ko. Ihh, sino bang hindi? Nakadaupang-palad ko ang aking Van of my dreams *sparkling lights* kahapon at ginamot ko pa ang kanyang sugat, o 'di ba? Para akong bidang babae na gagamot sa mga sugat ng aking action star baby. Sinong hindi kikiligin ng bongga do'n? Wala! Bato lang! Bato lang! Ano bang pinaglalaban ko? Umagang-umaga
Naligo na agad ako. Ang ganda ng gising ko at ang aga ko magising, infairness to me. Karapat-dapat akong i-clap-clap. Haha.
Kahit naliligo ako, si Van pa rin ang naiisip ko. Grabe! Muntik na akong mapaos kagabi dahil sa tili ako ng tili sa kwarto ko. Jusko! Bakit ba kasi sobrang gwapo ni Van? Nagdamot ba siya ng kagwapuhan sa iba?
Bumaba na ako matapos kong maligo. S'yempre nag-tweet na rin ako sa aking mga followers. Natapos na din pala akong mag-advice kagabi, at puro positive lahat ng advice ko, gano'n yata talaga kapag inspired, dati kasi may pagka-bitter pero kagabi, purong pag-ibig lang, love is in the air! I can feel it beybe!
"O himala? Ang aga mo yata ngayon baby girl?" Napatingin naman ako ng masama kay Kuya Zeek, ang ganda na e. Good vibes is in the air, I can feel it everywhere. Si kuya naman oh, anti-good vibes
"Kuya! Baby girl ka diyan!" Tapos tumabi na ako sa kanila. Well, totoo naman kasi, parang himala nga na ang aga ko ngayong bumaba sa taas, lagi kasi akong puyat.
Wait! Hindi pala ako nakapagbasa para sa quiz bee, okay lang 'yan, kinilig naman ako e. Haha. Ang bad ko, inaaasahan pa naman ako ng school.
"Oo nga anak, ang aga mo yata magising ngayon." Si papa na sinasabayan ng pagbabasa ng diyaryo ang pagkain.
"E popsee, masama bang gumising ng maaga?"
"Kung iba, walang kaso Kath, pero kung ikaw, himala nga."
"Kuya! Momsee, si kuya oh."
"Zeek, tigilan mo nga 'yang kapatid mo. Oo nga pala, ano? Pupunta ba kami sa debut ni Mandy?"
Napatingin naman ako kay kuya. Kumpara sa akin, mas mukhang inspirado siya.
"Yes ma." Nakangiting sabi ni kuya. Sus! Kilig na kilig. Inlababo talaga kay Ate Mandy si kuya.
Pagkatapos kumain ay nag-toothbrush na ako at pumunta na sa garahe para sa bike ko. Handa na rin ang baon ko so all-set na.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Novela JuvenilSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...