C47: The Game, The Courtship and The Mystery Texter

61 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories


CHAPTER 47

"The Game, The Courtship and The Mystery Texter"


BIANCA'S POV


Ang lakas ng sigawan ngayon dito sa field. Magagaling din yung kalaban nila Matthew pero syempre, mas magaling sila Matthew. Nakaupo ako sa bleachers. Malapit sa bench para sa mga players. 3-2, lamang kami. Pansin ko nga na kanina pa sumusubok na maka-goal si Matthew. Yung dalawang score namin sa kanya nanggaling. Mahusay naman talaga si Matthew pero hindi ko alam kung bakit super effort siya ngayon.

Nag-time out dahil tapos na ang first half ng game kaya naman nagmamadaling bumalik sila Matthew sa bench nila. Inabutan ko naman siya ng Propel niya. "Bakit ang bibo mo yata sa game?" Kumunot ang noo ni Matthew. Although hingal na hingal siya sumayaw pa rin siya sa harap ko. "Hindi ah..." Tapos pinipilit niyang ikembot yung katawan niya at tinataas-taas pa niya yung hintuturo niya. Ginaya naman ng ka-teammates niya yung step niya.

Nagsigawan yung audience. "Para kang tanga." Lagi niya kasing ginagawa yun e. "Well, magaling kasi ako sumayaw." Sabi niya habang nakangiti sa akin.

Tinawag naman na sila ni coach para sa strategy ng game pero bago siya umalis sa harap ko ay may sinabi muna siya sa akin, "may sasabihin ako sayo kapag naka-score pa ako ulit at nanalo kami." Nakangising sabi niya sa akin tapos pumunta na siya sa bench nila. Umupo ako ulit sa bleachers.

Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin, pagkalingon ko ay nakita ko si Logan. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa harap, para ko na namang nalulon ang dila ko dahil hindi na naman ako nakapagsalita. Nakakainis naman! Bakit ba kasi ganito magreact yung katawan ko kapag nandiyan si Logan?

"Hey." Nakangiting bati niya sa akin. "Hi..." sabi ko kahit nakatingin pa rin ako sa field. Nag-umpisa na ulit yung game. Hindi naman nagsasalita si Logan sa tabi ko. "Ang galing talaga maglaro ni Matthew 'no?" Tanong niya sa akin, pagkalingon ko naman ay nakatingin siya kay Matthew. "Oo, gusto niya kasi talaga 'to." Pagpapaliwanag ko. Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Tahimik lang akong nakaupo doon.

"Salamat pala kanina ah."

"Wala yun. I just know that you have your own life now. Nakita ko yun...lagi kitang pinagmamasdan."

"H-huh?" Tanong ko, kahit narinig ko naman yung sinabi niya, hindi lang ako sigurado kung tama ang pagkakarinig ko. Pero ewan, ayoko mag-assume. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, hinigpitan ko yung hawak ko doon sa towel ni Matthew.

"Wala." Nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos no'n. Ang weird lang, kasi kanina halos hindi ko na marinig ang boses nung commentator dahil sa ingay tapos ngayon parang wala akong naririnig. Sobrang nalulunod ng tibok ng puso ko yung ingay dito sa field.

Hindi rin tuloy ako naka-focus doon sa game hanggang sa napatingin ako sa side namin at napatayo halos lahat. Pagtingin ko sa field ay nakita kong nakangisi sa akin si Matthew. Mukha yatang naka-goal siya. Sigawan ulit ang mga tao. Hindi ko napigilang makitili.

Ginawa na naman ni Matthew yung sayaw niya na siya namang sinundan ng buong team.

Nagpatuloy na ulit ang laro, onting minuto na lang yung natitira kaya sure win na talaga si Matthew. Tuwing nananalo sila, para niya akong mommy dahil sa sobrang tuwang-tuwa din ako na ewan.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon