Writinginnosense © Stories
—
CHAPTER 71
"She's Back"
VENUS' POV
"I know how much bad you feel about it, we appeal but they just gave us this..." I roll my eyes at the vice-principal. Nag-apila kami matapos kaming mag-second place sa The Angle Band. Yes, they won the contest. Maraming nagulat but everyone thinks they deserved it, sabi pa nila, dark horse daw sa competition.
We have an advantage, nanalo kami for almost three consecutive years tapos ngayon pa kami matatalo? Matatalo na nga lang kami ng mga first timer pa. Their school must be rejoicing.
Nakita kong tiningnan nila Mio yung score sheet. "They really won. Out offive judges, 3 ang nagbigay ng high points sa kanila at yung dalawa, sa atin, pero they were close kaya naman nung pinagsama-sama yung score, mas nakaangat sila." Mio explained pero hindi ko pa rin matanggap, hindi ko matanggap na matatalo lang kami, sa banda pa ng Katherine na yun.
"The appeal would be useless, let's just accept that this year's titleis not for us." Sa inis ko ay agad akong lumabas ng office. Sumabay sa paglalakad ko si Jonathan na hindi rin nagsasalita.
Nagngi-ngitngit ang kalooban ko. We have it, we have the title right before they perform. It just so happen na sila yung last performer, idagdag pa na lahat sila babae, na-amaze lang sila but they were not that good to compete with us.
They are damn good, hindi mo lang matanggap iyon. My subconscious mocks me. Okay, fine. They are good, pero dapat may advantage kami, they should give us the benefit of the doubt. Sa amin dapat ang title. How ironic na natalo kami with just merely few points, nakakainis na natalon kami with .20 points. Samantalang no band get even that close toour points sa mga nakaraang contests.
Nakasimangot akong pumasok sa room. Everyone felt disappointed as well, bukodsa EC, suportado rin kami ng buong school. Ito pa naman ang opening contest ng interschool competition this year. Nakakainis!
Kesba tapped me in the back. Alam ko, maging sila ay disappointed sa nangyari. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sina Jessica na tipid lang na ngumiti sa akin. Hindi kasi kami sanay na matalo, kaya hindi namin matanggap.
"Settle down class." Umayos na kami ng upo ng dumating ang homeroom teacher namin, hindi rin kami siguradokung bakit nandito siya, dahil sa weeklong competition kaming Grade 12-A ang pinaka-busy sa lahat, kami ang halosrepresentative ng haloslahat ng catergory so kami ang excuse almost all the subjects.
Hindi namin alam kung bakit nandito siya. "I know, yung iba sa inyo kailangan ng mag-practice for the play, kailangan ng mag-review for the quiz bees and spelling bees. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang transfers students natin, since last month pa pala inaayos ang transcript nila, and some of you might recognize them." Nakangiti niyang sabi sa amin.
Pumasok ang isang pamilyar na babae, napatingin pa ako kay Lucas na napatayo. Wait! Tiningnan ko siyang mabuti, teka, siya yung guitarist nung The Angle band, and transferee? Anong ibig sabihin nito?
"Hi, my name is Sophie Ann Evangelista." Nag-bow pa siya sa amin. Mahinhin ang boses niya at maganda ang ngiti niya. They look stunned by her, natatandaan siguro nila ito. Nagkaroon pa kasi itonf special solo part sa performance nila nung Battle of the Bands.
Umusog siya sa tabi and we were all appalled seeing her walking gracefully to the center of oir room. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. She looks like an angel, but I can feel that she'llnot bring peace, she'll bring destruction.
"Hello, you probably remember me. My name is Katherine Ashley De Silva..." Katahimikan, we were all silent, doon na namin tuluyang na-kumpirma kung sino siya.
Nabasag lang ang katahimikan nang makarinig kami ng bag na nahulog, napatingin kami sa pinto and we saw Zoey stunned while he's standing at the door. Para siyang nakakita ng multo. Yeah, wala siya nung BoB, at malamang hindi niya alam ang nangyari. Lumingon si Katherine sa kanya, at hindi ko alam kung ako lang ba, but I saw something in her smile...and that smile is surely sinister.
—
"Did you see her? Grabe ang laki ng pinagbago niya."
"Siya ba talaga yun? Parang hindi ko siya nakilala."
"Grabe! Literal akong kinilabutan ng makita ko siya."
Her appearance is a success. Halos lahat ng seniors siya ang pinag-uusapan, pati yung ibang undergrad na nakakakilala sa kanya. Paano ba naman siya hindi sisikat? That cheating incident is a blast, hindi ko nga alam kung bakit hindi inilagay sa transcript of records yun e.
Tumatahimik naman sila tuwing dumadaan kami. "That girl is show stealer." Komento ni Jessica. Nanatiling tahimik si Bianca, nag-aalala ako sa kanya. Baka bumalik yung guilt na nararamdaman niya. Kaya agad akong lumapit sa kanya and hold her arm. Napaangat naman siya ng tingin at ngumiti pabalik sa akin.
We were walking at the cafeteria dahil naisipan naming kumain tutal tapos na ang event na sinalihan namin, at panahon na para magpahinga. Kaka-umpisa lang din halos ng klase pero pagod na pagod na kami.
Pumunta kami sa pwesto namin but they were there. That Katherine and Sophie, kasama nila yung isang guy na kaklase namin, doon ko lang na-realize na ito yung kasama nila dati. Pati si MC nanatiling tahimik lang.
She's really doing this to get in our nerves kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit na ako. "This is our seat, you either vacate this or I'll force you to vacate this." I say, punung-puno na ako sa ka-epalan niya. I'm not afraid of her.
Tumaas lang ang isang kilay niya at ibinalik ang tingin sa pagkain niya, hindi niya ako pinansin. Lumapit ako sa kanila and tap the table. Umangat ng tingin sina Sophie at yung guy.
"Leave this table now, cheater." Umangat siya ng tingin sa akin. Nakita kong napatingin sa kanya yung kaibigan niya.
"You cheated? You really did?" Napangisi ako, looks like hindi iyon alam ng kaibigan niya. I don't reallu have plans of pushing it further but I just wanted to make her realize what her real place is. "What? You didn't know?" Nakangising tanong ni Kesha, she looked at me and smiled.
"Yes, I did." She said unfazed by the revelation.
"Oh my goodness! Akala ko binibiro mo lang ako nung sinabi mo yun, that was ridiculous! Are you always that cool?" Nakangiting tanong ni Sophie sa kanya, agad na nawala ang ngisi namin ni Kesha. Nagkatinginan pa kami, cool?
"I told you, I was a cool kid. But you know what? Nawalan na ako ng ganang kumain, harapin ka ba naman ng mga lowly people. Alam mo naman ang mga bata, hangga't hindi mo ibinibigay ang gusto, hindi titigil. Sige ka, magsumbong pa sila sa parents nila." Tumingin siya sa amin, bigla akong namula sa sinabi niya. Ramdam ko ang tension sa loob ng cafeteria, parang lahat ay inaabangan ang gagawin niya.
Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad paalis. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama niya. She's different. Hindi na siya yung Katherine na may takot, I was a bit afraid looking at her eyes because I can't see remorse, or even a slight nervousness, she's just angry. Deeply mad.
"K-kath..." Napatingin ako sa tumawag sa kanya, it was Zoey na nakatingin sa kanya. Doon ko lang nakita na ganoon ka-tense si Zoey.
"What is it?" Nakangiti niyang tanong nang wala siyang narinig ay agad siyang umalis.
Parang nagpigil sa paghinga ang mga estudyante sa cafeteria na nakahinga ng maluwag ng makaalis siya.
Nakatayo lang ako doon habang nagpipigil ng inis. I know that this is just the beginning. This is just the start of everything.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...