C13: Scandalous

128 11 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 13

"Scandalous"

 

KATH'S POV

Ngumiti nga ba siya o hindi? Hindi ko alam. Kasi pagkapikit ko. Wala na 'yung ngiti niya. Pero imagination ko lang ba 'yon? Parang totoong-totoo kasi e. Parang hindi lang ako nag-imagine. Napakalikot naman ng imagination ko kung ganun

"Ngumiti ka ba?" Ayy! Ang ewan lang ng tanong ko. Pero na-curious kasi ako e. Imagination ko ba 'yung kanina? Big deal sa akin kung ngumiti siya o hindi.

"Hindi." Tapos tumayo na siya at nag-umpisa ng maglakad papalabas.

Edi hindi. :3 Pero...aish! Nagi-imagine lang yata talaga ako kanina.

Tatayo na rin sana ako nang biglang tawagin ako ni Jessica. Nakupo!

"Hoy! Ikaw ba yung kanina?"

"A-ang alin?"

"Yung kasama ni Zoey dito sa loob?"

Hala! Kapag sinabi kong "OO". Tapos ang kinabukasan ko neto. Kapag "HINDI" naman, anong sasabihin ko kapag nagtanong siya kung bakit dito rin galing si Zoey. Nako! Tapos din ang kinabukasan ko nito! T__T OHGOSH!

Paano na?

Kung may darating lang sana na knight in shining armor...na ililigtas ang damsel in distress na bakas sa mukha ang salitang "stress".

OHMYGULAY!!

"And you really think that I would go out of the same room with her?"

 

Dugdug. Dugdug.

 

Royal rumble na naman ang PESTElandia sa tiyan ko. Hindi ko maintindihan ang puso ko sa pagiging baliw. At parang nahihilo na ako sa kilig. Pero bakit? Loyal ako kay Van ko e. Hala! Ewan!

"But...you came out of here.." Para namang napamaang etong si Jessica sa bigla-biglang pagsulpot ni Zoey.

OHMYGOLLYWOW! *u* Ang hot din niya kahit hindi siya nakangiti at nakasandal lang sa pader sa tapat ng pinto ng Music Room.

"I do not. I came out of the other room. Why am I even explaining to you?" Cool niyang sabi sabay alis.

Napahawak ako sa dibdib ko sa tapat ng puso kong unti-unti ng kumakalma.

"And hey!" Napatingin ulit ako kay Jessica. "B-bakit?"

"Bakit ka nandito sa Music Room? Aren't you aware that this room is exclusively used by Music Club members and choir?" Nakataas ang kilay niyang sabi sa akin.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon