C66: Why Try

70 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

 

CHAPTER 66

"Why Try"

 

JESSICA'S POV

"Magpa-practice ba kayo? I would like to come." Napatingin ako kay Samantha na nagtanong kay Venus. "Yes, sure. Kala Mio kami ngayon, and of course doon tayo sa manliligaw mo." Napatingin ako ulit.

Nakita kong namumula si Samantha sa sinabi ni Venus. "Wait! Nililigawan ka na ni Mio? Bakit hindi ko alam yan?" Tanong ko.

"Baka sinabi niya kanina, hindi ka lang nakikinig." Nabara ako sa sinabi ni Kesha, occupied kasi masyado yung isip ko dahil sa kakaisip kay Zoey. "Sorry." Sabi ko atsaka nag-peace sign.

"Tara, wala na rin naman na tayong gagawin e. Tapos na yung booths." Pag-aaya ni Bianca, sasama na sana ako ng matanaw ko si Zoey na papalabas ng school kaya naman agad akong humarap sa kanila. "I can't sorry." Bago pa sila makasagot ay tumakbo na ako papuntang gate. Yeah, I know, I may look stupid to them, sinusundan ng sinusundan ang isang lalaking ang hirap abutin, pero anong magagawa ko, ang hirap pigilan ng sarili ko, gusto ko talaga siya, ang hirap labanan yung puso ko na bago pa makapag-isip ay kumikilos na.

Sinundan ko siya gaya ng lagi kong ginagawa, lagi ko siyang palihim na sinusundan. Nakita ko ang lahat, pati yung mga ginawa niyang effort para kay Kath, and at that point I know na it is more than an act, I feel that he's really falling for her, at hindi ko kayang wala akong gagawin. Ganun naman yata talaga kapag nagmamahal, you'll do the most stupid things na pakiramdam mo ng mga oras na iyon ay tama.

Gaya ng dati ay dumiretso siya sa isang coffee shop at o-order ng cappuccino with two teaspoon of sugar plus creamer, hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto niya yung ganung timpla, siguro masarap para sa kanya. Matapos niyang makaupo doon sa bandang dulo ng shop ay saka ako pumasok sa loob.

Nag-order ako habang nakatalikod sa kanya pero alam ko namang hindi niya ako napansin dahil siya ang tipo ng tao na walang pake sa paligid niya, well except when he was with Katherine.

Matapos nun ay umupo ako sa malapit sa kanya, buti na lang may standee doon sa tabi ko at natatakpan ako.

Nakatitig lang siya sa kawalan habang nakalagay sa mga tenga niya yung earphones niya. I wonder kung anong uri ng mga kanta ang pinapakinggan niya. Napangiti ako dahil nakikita ko na naman yung ibang mannerisms niya, gaya ng palagian niyang pag-tap sa table, na para bang sinasabayan niya yung beat nung kanta.

Matagal na kaming magkakilala, but I don't pay much attention to him, dati, until that moment happened.

I was walking home dahil sa hindi na naman ako sinundo ni daddy, I thought busy lang siya sa trabaho niya, that he has no time for me, for us. Pero nung mga oras na yon ay nalaman ko na may iba pala siyang pamilya, may iba siyang anak. I was being bullied for having no father when it comes to awards and recognition. Walang nagsasabit ng medal sa akin bukod kay mommy or kay tita.

 

Nakakatulong kasi sa akin ang paglalakad pauwi kahit medyo malayo, okay lang. Nagkakaroon ako ng maraming time para mag-isip, mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Iniisip ko kung gaano kaya kasaya ang buhay ni Katherine dahil kasama niya si dad? Siguro bukod sa mga materyal na bagay na kayang ibigay ni dad ay nabibigyan siya ng isang bagay na kailanman ay hindi naging akin, ang oras ni dad.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon