Writinginnosense © 2014
Words don't have the power to hurt you, unless, the person who said it, means a lot to you.
----------x
CHAPTER 2
"ASA Welcomes EC"
KATH'S POV
Papasok na sana ako sa malaking gate ng ASA, kaso maraming students kaya doon na lang ako sa mas maliit na daanan na katabi nung malaking gate.
At pinili ko na 'wag dumaan doon kasi baka mapagtripan ako e, or pagkaguluhan. Hehe. Medyo sikat ako e. Sikat maapi.
Tweet: Yung feeling na, may nantrip sa'yo na isa, at feeling ng lahat ayos lang at nakisalo pa? Nakakainis di ba? >//<
Nag-tweet pa ako before entering the school premises. Ang tanging mabait lang sa akin sa school na 'to ay ang guards, teachers, staffs, at lahat. Pwera lang ang mga estudyante dito.
Gaya ng nasa tweet ko. Inapi at binully lang ako ng EC at ng JN, akala naman nila, ayos lang. Aba! Sumabay pa? Ang ganda lang? Pero hindi na ako lumalaban, karamihan kasi sa kanila, namimisikal, nakakatakot kaya! Bilis ko pa naman magkapasa, maputi kasi ako. Hehe.
NKKLK kaya. Teka! Baka nawiwindang na kayo sa mga terms ko ah. Ang NKKLK ay isang Filipino word NaKaKaLoKa a.k.a NKKLK! Hihi. I'm so brilliant talaga with Internet jargons.
Sikat sa cyberworld ang ganyang dialect. Mas convenient kaya. Mas mabilis ma-type. GTG, Got To Go. SYL, See You Later. Lahat yata ng expression ngayon, pwede ng maging ganyan kaikli eh.
"Aray! Look where you are...uhmm.. puntahing..Hmp!"
Sabay snob sa akin nung babaeng nakabangga sa'kin. Aba't kasalanan ko teh? Baliw rin yun ah! Nakakainis lang? Siya na nga 'tong nakabangga sa akin, siya pa yung may ganang manigaw buti sana kung tama ang grammar.
Pero, hindi ko pinatulan. Batalyon sila eh. Tsaka baka makuha ko yung atensyon nilang lahat. Mahirap na.
Pambawi ko na lang yung sentence niya. Pfft. Hahaha. Look where you are puntahing? What a...uhmm.. pahayag? Hahahaha. NKKLK!
Yumuko na lang ako bigla. Atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na nga nabati yung mga guards bukod kay Mang Toning na natira sa pinasukan ko para sa inspection ng gamit.
Yung iba kasi, nagpapaalis ng ibang students na nasa harap ng gate, nagkukumpulan kasi.
"Mga Miss at Mister, please po. Mapapagalitan po kami ng school administration.."
"Hey! You stupid guard...don't block our way, okay?"
Tapos hindi na nila pinansin yung guard. Lumipat yung tingin ng guard sa kabilang side.
"Ahhh. Sir --"
"SIR? NAKA-PLUCK ANG EYEBROWS.. NAKALIPSTICK NA PINK.. NAKA-MASCARA ANG CURLED EYELASHES.. MAY EYELINER AT NOSELINE? TAPOS SIR? Discrimination yan, 'di ba mga girls?"
Sabi niya mula sa pagsigaw na nakakuha ng atensyon nung lahat tapos biglang huminay at nagtanong sa mga pinaghalong babae at babae(?) na nasa likod niya.
"Checkerd ka diyan sis!!" Sigaw nila matapos mag-formation ng one line at nakatagilid pa sabay gawa ng hand movement nilang parang ewan lang tingnan pero pa-check.
And after nun, parang mga baliw na nag-group hug at si manong guard ay napakamot na lang sa batok. At ang iba? Back to their own business.
-____-"" Tumingin ako sa gate. Nasa school pa naman ako. Pero bakit ganito? Parang daig ko pa yata ang nasa mental? Parang mga hindi anak mayaman 'tong mga 'to. Pero sabagay, feeling nila sila may-ari ng mundo.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...