C79: Doubtful

61 8 1
                                    

Writinginnosense © Stories

-


CHAPTER 79

"Doubtful"


KESHA'S POV


Buti na lang at walang pasok, ayaw kong makita si Katherine, that btch. Tuwing nakikita ko ang ngisi sa mukha niya, naiinis lang ako. Alam kong may kinalaman siya rito, pero nung nagising si Van, he said he remember nothing, pero dama ko may alam siya. I just feel that ayaw na niyang pag-usapan pa.

Halos panawan ako ng ulirat nung nakita ko siya sa hospital that day, akala ko kung napano na siya, or something worst happen.

Bumaba na ako sa elevator, may dala-dala akong chocolates. Nung nakaraan kasi na nagdala ako ng bulaklak at basket of fruits ay na-bwiset si Van, para na raw kasing mamatay na siya, ang gusto raw niya chocolate, edi pagbigyan. Ayaw nya rin ng soup, as much as possible ayaw niyang ma-feel na nasa ospital siya.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumaas agad ang kilay ko. Anong ginagawa ni childhood friend dito? Tiningnan ko siya at talagang tumaas pa ang kilay ko, kung may itataas pa iyon. I was happy not seeing her, knowing that she's the only threat I have when it comes to Van pero bakit ngayon pa siya nagpakita?

"K-kesha?" I don't like the way he said it. Option A, dahil sa nagulat siya nang makita niya ako and he was caught on act or option B dahil sa gusto niya na akong umalis but nevertheless ay pumasok pa rin ako sa loob.

"Sabrina, what brings you here?" I tried sounding cheerful pero mukhang wala namang effect dahil alam kong dama niya na ang alternate meaning ng sinabi ko ay umalis na siya.

"Nabalitaan ko kasi sa dati kong schoolmate that Van is at the hospital, nag-alala lang naman ako sa kanya." Nagtaka naman ako sinabi niya. Dating schoolmate?

"Si Katherine, siya nagsabi sa akin." At agad kong naintindihan ang scheme ng Katherine na yon, agad na nagtiim ang bagang ko dahil sa sinabi niya. "Nandito na ako, pwede ka ng umalis." Matabang kong sabi, no need to pretend. Inilapag ko ang plastic sa table at tinabig ang basket na puno ng prutas, nadatnan ko pa siyang sinusubuan si Van ng soup, ayaw daw niya. Lalo lang tuloy kumulo ang dugo ko. The nerve of this guy.

"O-okay." Nakayuko niyang sabi at nagmamadaling lumakad, kinuha niya ang bag niya but then Van stopped her, lalo lang akong nainis dahil doon. "Sab, I'll call you. I'm sorry." Tumango lang ito sa kanya at nagmadali na itong umalis.

"What is your problem?" Galit na asik niya sa akin nung makalabas sa hospital room si Sabrina. "You and your flirting tendencies." Tuluy-tuloy lang ako sa pag-aayos ng non-existent unorganize stuff doon sa table. "Me? Flirting tendency? Do I look like flirting to her?" Tiningnan ko siya at sinikap na pababain ang boses ko, pero hindi ko iyon nagawa dahil sa inis.

"YES!! FCKING SOUP! FCKNG FLOWERS AND FCK THE BASKET OF FRUITS!!! AYAW PALA?!" Sigaw ko at sa inis ay iniwan siya doon. I don't plan on going home, kailangan niya pa rin ng magbabantay sa kanya hanggang bago makarating sina tita.

First time ko siyang masigawan sa loob ng halos isang taon namin.

Pumunta muna ako sa comfort room to loosen up pero mukhang hindi ako malu-loosen up nang dahil sa nakita ko ang santa-santitang babaeng to. Aalis na sana ako pero narinig ko siya magsalita. "Insecurity kills." Napabaling ang tingin ko sa kanya, nakatingin siya sa sarili niyang repleksyon but I know na ako ang sinasabihan niya. Ako pa ang insecure sa aming dalawa? Talaga lang, huh?

Pumasok ako sa loob, you just picked the wrong enemy, girl. "Who's insecure? Ikaw? Nakatingin ka sa sarili mo e." Naramdaman kong humarap siya sa akin kaya hinarap ko siya.

"Yes, ako ang insecure because you don't deserve him. He's the one for me, ako ang nauna bago ka dumating." Edi lumabas rin ang totoo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"So what kung ikaw ang nauna? Ano siya? Iniwan mo sa baggage counter at babalikan mo kapag paalis ka na? First come first serve? Dream on girl, I won't let you. And a piece of advice, kung ano man ang panunulsol na ginawa ng dati mong schoolmate, don't listen. You're just making yourself pathetic." Umalis na ako dahil ayokong gumawa ng kahit ano sa hospital.

Pagkabalik ko sa kwarto niya ay nakabusaagot si Van habang kumakain ng chocolate. "What took you so long?" Paasik niya sa akin. Hinarap ko siya at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Yung childhood friend mo kasi inaway ako sa CR..."

"Don't make stories Kesha, alam nating hindi niya magagawa iyon. Baka ikaw." Doon na nagpating ang tenga ko, what the hell? Ako ang girlfriend niya pero iba ang pinapaniwalaan niya?

"Edi siya ang i-girlfriend mo!!!" Sigaw ko, sakto naman na pumasok ang parents niya na mukhang walang narinig dahil nakangiti pa silang pumasok. Agad naman akong nagpaalam para lumabas. Hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo nang nasa elevator na ako. What the hell did just happen? Hindi...niya ako pinaniwalaan?

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon