C76: Sandalan

70 9 1
                                    

Writinginnosense © Stories

-


CHAPTER 76

"Sandalan"


MARIA'S POV


Nasa last leg na kami ng interschool competition, hindi sila nanunuod, ako rin sana pero hindi ko kaya, bawat pagkakataon na nakikita ko siya ay nakakaramdam ako ng guilt.

Ang laki ng pinagbago ni Katherine, halos hindi ko na siya makilala, sobrang ganda niya, ang amo ng mukha, makinis, maputi, maganda ang buhok, wala na siyang braces at mukhang naka-contacts siya, alam kong siya pa rin si Katherine pero alam ko ring sobrang daming nagbago sa kanya. Sobra.

Nung unang beses ko siyang nakita sa Battle of the Bands ay halos bumaliktad ang sikmura ko, hindi ko siya nakita sa loob ng mahabang panahon, at hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit, and she totally changed.

Sobrang naging confident siya, kaya ng no wonder na nakarating siya at si Ullysis sa final five. Maging si Ullysis, hindi ko inaasahan yung mga pagbabago sa kanya, naging medium built ang katawan niya, hindi gaya ng dati na patpatin ang sobrang payat. May mga kaklase ako na nagkakagusto sa kanya, siguro dahil sa perfect example siya ng beauty and brains.

Nami-miss ko na sila, ang dalawang matalik na kaibigan ko. Hindi ko maiwasang hindi maluha, nagiging emosyonal ako this past few days siguro dahil sa pagbabalik ni Katherine, but I know better.

Nagkaroon pa ng talent portion, yung iba sumayaw, meron pang nagtula at nag-declaim. Halos mamula na ang kamay ko sa lakas ng palakpak ko ng lumabas sila ng stage, kahit sa ganitong paraan lang, kahit na hindi nila alam, gusto kong ipadama sa sarili ko na kahit papano ay hindi ako naging sobrang samang kaibigan.

May dalang gitara si Sophie, yung kaibigan niya. Naiingit ako minsan kapag nakikita kokung gaano sila ka-close, kasi dati ako yung naroon, sa pwesto niya.

Umupo si Katherine sa isang stool habang nakaupo sa kabila si Sophie, katabi ng upuan ni Katherine si Ullysis. Hindi ko pa naririnig na kumanta si Ullysis, at alam kong ayaw niyang kumanta, last time na sumali siya ay nagtula siya. Napatawa ako, Ully'ng-Ully kasi siya nun, siyang-siya, ang nagbago lang ay yung itsura.

Nag-strum na ng gitara si Sophie at nag-umpisa ng kumanta si Ullysis. "Ito na ang ating huling sandali, hindi na tayo magkakamali." Dama ko ang kaba ni Ullysis sa pagkanta, medyo wala siya sa tono at shaky ang boses niya.

Nakita kong biglang namula ang pisngi niya ng hawakan ni Katherine ang kamay niya. "Kase wala ng bukas, sulitin natin ito na ang wakas, kailangan na yata nating umuwi..." Pero mukhang nakatulong iyon dahil mas umayos ang boses niya, nasa tono na at kahit papano ay hindi na shaky ang boses niya.

Binitiwan ni Katherine ang kamay ni Ully at tumingin sa harap. "Hawakan mo aking kamay, bago tayo maghiwalay." Napatingin siya ng hawakan ni Ully ang kamay niya, nagngitian pa sila sa isa't isa. Halos mahambalos ko na ang upuan sa harap ko sa kilig. Grabe! Bagay na bagay sila. Sobrang kinikilig ako. "Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat." Sumandal pasi Katherine sa balikat ni Ullysis. Lumakas ang tilian sa auditorium ng Oxford. Ang ingay! Maraming kinikilig, kasama na ako doon.

Tumingin sila sa isa't isa habang sabay na kinakanta ang chorus ng kanta. Tuluyan ng nawala ang kaba ni Ullysis, mas gumaganda rin sa pandinig ko ang boses niya, nagbi-blend sa angelic voice ni Katherine. "Paalam sa 'ting huling sayaw, may dulo pala ang langit. Kaya't sabay tayong bibitaw, sa ating huling sayaw..." Nadadama ko yung damdamin nila habang kumakanta, nakangiti ako, proud ako sa kanila, proud na proud to the point na naiiyak na ako sa saya. Agad kong pinunasan ang luha ko. Kulang na lang ay tumayo ako para sa kanila, kaao ayokong makita nila ako, nahihiya ako. Natapos ang performance nila na halos lahat ay mahimatay sa kilig, kahit na yung MCs ay ganoon rin, nawalan ng formality bigla.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon