C64: You Are In Love

66 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

 

CHAPTER 64

"You Are In Love"

 

MARIA CLARA'S POV

I remember once, sumama ako kala mommy at sa mga kaibigan niya na mag-jogging around UP, mom and her friends used to run there kaya naman sisiw na lang sa kanila iyon at dahil first time ko ay halos hindi ako makasabay, siguro hindi na rin ako nila mommy napansin dahil sa busy siya habang kausap yung mga kaibigan niya until I feel odd, nang tumingin ako sa likod ko ay parang may sumusunod sa akin. Napatingin ako kala mommy na malayo na sa akin, at papaliko na sila, so kung saka-sakali ay paniguradong wala akong kawala doon sa sumusunod sa akin, dahil sa adrenaline rush ay napatakbo ako ng matulin, sobrang bilis, yung tipong kapag tumigil ako ay paniguradong madadapa ako. Sobrang bilis na halos matanggal na ang baga ko sa pagtakbo, hanggang sa makaabot ako kala mommy. Napahinto naman sila. Nag-umpisa na akong umiyak, pakiramdam ko nasusunog ang baga ko dahil sa pagtakbo, idagdag pa sa hingal ko ay ang pagod at nanlalambot kong tuhod, umiiyak pa ako, kaya hindi ko alam kung saan ko huhugtin ang hininga ko.

Ayun ang nararamdaman ko ngayon, it was brief but felt like hours. His lips merely touched my lips, ni hindi tumagal ng ilang segundo, parang dumampi lang pero parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung nasu-suffocate ba ako sa ulan o dahil sa nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko, kaya naman napakapit ako sa sleeves ng polo niya. Doon ko lang napansin ang titig niya sa akin. Yung titig na halos tumagos sa akin. Lalo akong napakapit sa kanya, hindi ko pa rin nararamdaman ang tuhod ko, hindi rin ako makapag-isip ng matino, my mind only shouts about that kiss.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nagpa-panic ako sa loob-loob ko, there is an internal battle, there's a turmoil inside of me at hindi ko alam ang gagawin ko. Napansin ko ang gulat na rume-rehistro sa mukha niya. Unti-unti ay bumalik ang pakiramdam sa mga paa ko. And just like that ay naglakad ako paalis doon, ni hindi ako lumingon.

I don't know how I am able to go home. Kung nagtaxi ba ako o nag-bus or kahit ano. Hindi ko alam, I just found myself looking at the mirror, staring while touching my lips. This is crazy! Napansin ko ang matinding pamumula ng pisngi ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis pa rin ng kabog nito. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako.

Umiling-iling ako. "MC, stop thinking about it. Carried away ka lang." Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko na yung blower at binlower yung phone ko, kung sakaling masasalba pa ng blower ang pagkakabasa niya. Matapos nun ay humarap na ako sa laptop ko, nagbukas ako ng Facebook and unconsciously found myself looking at his profile. Iba na ang profile picture niya, nakatalikod siya at nakaharap sa beach.

I wonder kung ilang beses siyang pumupunta sa beach sa isang taon. Parang buwan-buwan kasi ay may mga pictures siya na nasa beach siya. Until may nag-pop out na icon sa gilid.

Xavier Reyes added me. Napatigil ako at huli na ng ma-realize ko na na-accept ko na ang friend request niya. Doon ko lang napansin na may iniwan din pala siyang message sa akin.

03:32pm

Xavier: accept me please.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon