Writinginnosense © 2014
***
CHAPTER 12
"Me, Music And Him"
KATH'S POV
"ANO?!! PINAGTRIPAN KA?" Nanakit naman daw ang tenga sa sigaw nitong si Clarita. Ang tinis pa naman ng boses. Haist! Tinakpan ko tuloy yung tenga ko.
"Ang tinis naman ng boses mo Maria—"
"Eh-eh-eh! Not Maria! It's Mary Claire nga, or MC na lang. Tsk!" Iginalaw pa niya yung hintuturo niya to the left, to the right ng tatlong beses.
"Okay. Fine! Pero p'wede ka namang hindi sumigaw, Maria.. I mean.. MC." Napaurong si Ully dahil biglang inambahan siya ni Maria Clara ng sapak. Grabe talagang babaeng 'to. Medyo sadista. =__
Nandito nga pala kami sa locker area. Si Maria Clara lang ang nasa loob since mahigpit sa rules na hindi p'wede ang mga lalaki sa locker ng mga babae. Nasa pinto lang si Ullysis.
"Hayaan mo na. Lalo ka lang maiinis kapag inisip mo pa 'yang mga bagay na 'yan." Sabi ko na lang. Paano ba naman kasi, mas galit pa sa akin 'tong si Clareng. =__=
"Naku! 'Yang pinsan mong 'yan talaga! Ikinakahiya ka na nga! Binuhusan ka pa ng spateti! Naku! Hindi ibinubuhos ang spateti! Ano 'yon ulan? Kinakain 'yon!! Asan ang hustisya? Kailangan ng hustisya para sa spateti! Katarungan para kay Ka Spateti!!" Madamdaming pagkakasabi ni Clarita.
*clap clap clap*
Pumalakpak kami ni Ullysis. Nakakatawa talaga 'tong babaeng 'to.
"Salamat. Salamat! Ayy teka!"
"Uy! Ano ka ba? Nakakagulat ka naman e. Ano ba 'yon?"
"Ano naman 'yung trip nila Kesha at napagtripan ka? Hah?"
"At kung magtanong ka akala mo bago 'to ah?" Binuksan ko na 'yung locker ko.
As expected, may surprise sa loob neto. Merong daga, hindi ko nga lang alam kung sa EC o JN galing. At dahil sanay na ako, binuksan ko 'yung secret compartment sa gilid ng locker ko. Doon nakalagay talaga 'yung nga gamit ko. Pati kala Ullysis at Maria ganun din, lagi kasi nilang nilalagyan ng kung anu-ano yung mga locker namin e.
"Kunsabagay. Haay! Kelan ba kasi sila matatapos sa mga kagaganyan nila?"
"Oo nga e." Huminga ng malalim si Ullysis at umupo na sa labas ng locker room.
"Hayaan niyo na. Mapapagod lang din yung mga 'yon. Wait lang ah." May bathroom kasi rito kaya naman naligo na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/3778479-288-k292396.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...