Writinginnosense © Stories
***
CHAPTER 15
"Confusion"
BIANCA'S POV
"Kenya be my girlfriend?"
Napabaling ako ng tingin sa kanya. Huh?! Anyare? Anong sabi niya? Bakit.. bakit.. may ganoon?
"Huh?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko at talagang napa-huh ako sa kanya. Ang troll niya.
"Joke lang. Hahaha. Seryoso ka kasi masyado e." Ngumisi pa siya sa akin. Okay. Akala ko ba ang soccer player na 'to ay may killer smile? Bakit hindi tumatalab sa akin ang charms niya?
"O..kay." Na-out of words na lang ako. Hindi ko naman siya balak kausapin e. "Sige una na ako ah." Wala akong panahon makipagbiruan. May isa pa kasing subject tapos yung isa after that nagsabing hindi raw magka-klase. Umpisa pa lang halos ng klase wala agad klase. Sayang yung binabayad namin.
"Wait. Sa'yo ba 'to?" Napalingon naman ako sa kanya at hawak niya yung The Perks Of Being A Wallflower na book ko. Teka! Hindi ko naman yata hawak 'yon kanina ah?
"Oo." Lumapit ako at hahablutin na sana yung book nang bigla niyang itaas yung book at kumindat pa. What's with him? Nagpapa-cute ba siya sa akin? Well, not to mention na maganda naman ako.
"Ano bang gusto mo?" Naiinis na ako. Kalahati na ako do'n e. Nakakainis naman! Pero bakit ba akong kinakausap ng taong 'to? Ni hindi nga kami personally magkakilala e. Although, nagkaroon kami ng interaction last year before the school year ends dahil naging isa ako sa organizers and usherette sa sports fest na ginanap sa ASA.
"Watch my practice game tomorrow 11 am. Sa soccer field. Ibabalik ko after the game yung book mo." Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis na rin naman siya sa harap ko e.
Nganga!
Matthew Manrique! Ano bang balak mo?
***
Nakarating na ako sa room ng hindi pa nakakakain. Sobrang sandali na lang, next subject na.
Pumasok na ako. Nagulat nga ako nang makita ko sina Venus na nasa room. Akala ko kasi magpapahinga na muna sila e. "Bakit nandito pa kayo?" Takang tanong ko kay Venus.
"Saan ka ba galing?" Tanong niya na medyo seryoso. "Sa library kasi.." Sasabihin ko bang hinila ako ni Logan kaso hindi na ako tumuloy sa pagsama kasi ayokong magpakamartiresa habang pinapanuod si Logan at si Alexa together? Pati na rin ang pagpaparinig sa akin? Well, hindi na lang siguro. "..at.. dito na ako dumiretso." Nginitian ko lang siya.
"Wala raw si miss. May meeting din daw e." Sigaw nung isa kong classmate. Ano ba 'yan? Nag-effort pa ako? Dapat pala umuwi na talaga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/3778479-288-k292396.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
JugendliteraturSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...