Writinginnosense Stories 2014
***
Chapter 24
"Love Bug"
KATH'S POV
Maaga akong nagising. Hindi ko nga rin alam kung bakit e. Pero dahil maaga naman ako nagising, mga 7:30 am lang naman kahit wala namang pasok ay bumangon na ako para tingnan kung may pagkain sa baba. Siguro gutom lang 'to kaya ganito ako ngayon.
Pagkababa ko ay naabutan ko si momsee and popsee na nagbi-breakfast.
"Oh, anak. Ang aga mo yata nagising?" Masayang bati sa akin ni momsee. Ngumiti lang ako.
"Good Morning momsee, popsee!" I smiled at them. Si popsee nagbabasa ng dyaryo, typical habit of a businessman. "Popsee? Aalis ka po ba? Day-off mo ngayon sa office ah?"
"Ahh. Yes, anak. I'm going to Ohio to do some business there. I'll be out of town for the whole week." Tumango-tango lang ako habang kumukuha ng bacon at inilagay ko sa plato ko.
"Pero popsee, nandito naman po kayo sa Friday 'di ba?"
"Bakit? Anong meron sa Friday?" Takang tanong ni popsee habang humihigop ng kanyang kape. "Quiz Bee ko po, popsee."
Napatango naman si popsee sa sinabi ko. "Sige. I'll be there. We'll be there." Referring to mom. Nagpatuloy lang yung pagkain namin. Si kuya nakita ko kagabi mukhang busted ang mukha. May problema yata sila ni Ate Mandy, hinayaan ko na lang, baka lalo lang ma-bwiset e.
Maya-maya pa'y nag-vibrate ang phone ko.
@MariaSerrano calling..
Sinagot ko naman kaagad. Kapag kasi hindi ko sinagot 'to agad. Patay ako sa reyna.
"Oh?"
["Ganyan mo ako kamahal, hah? Pagkasagot ng tawag oh agad? Baka gusto mong bigwasan kita diyan?"] Ramdam ko ang nakataas na kilay ni Maria hanggang dito sa bahay. Natawa tuloy ako.
"Kumakain po kasi ako ng breakfast kasama si momsee at popsee. Teka! Bakit gising ka na ng ganito kaaga?" Tanong ko sabay kagat sa bacon.
["Wow! Sa ating dalawa talaga, ikaw ang may ganang magtaka? Sa ating dalawa, sino bang tulog-mantika at tulo-laway?"] Bababaan ko na sana ng tawag si Maria kaso nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
["Anyways, punta ka dito sa bahay. Pinapapunta kayo ni mommy. May bago siyang mga pagkain ipapatikim sa inyo. Mga 10 am para makapag-lunch ka na rin dito. Pupunta si Ullysis."] Tuluy-tuloy lang siya sa pagsasalita. Agad namang napatulo ang laway ko. O gosh! Mouth-watering ang mga niluluto ng mommy niya. Magaling kasi 'to magluto ng kung ano, samantalang ang momsee ko naman ay magaling mag-bake.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...