Writinginnosense © Stories
—
EPILOGUE
KATH'S POV
Hindi ako makapaniwala na ang lalaking tinitingnan ko ngayon sa aking harapan ay walang iba kundi si Ullysis. Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at parang may kung ano sa tiyan ko, butterflies fly in my stomach.
After four long years ay nakita ko na siyang muli, in person, sobrang laki ng kinagwapo niya, his complexion became fairer, mas lumaki rin ang katawan niya, and his wearing thick glasses, brush up ang buhok niya and he looks really cool.
"Hi." I finally said, doon ko lang muling napansin ang mga ngisi nila sa amin.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal!!!" Sabay-sabay nilang kanta sa amin, natawa na lang ako sa kakulitan nila.
Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan na ewan, siguro ganito lang talaga kapag muli mong nakita ang taong mahal mo.
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin harapan, "shall we?" I gladly took his hand at itinayo niya ako, doon ko narinig ang mga panunukso nila sa amin but I am too happy to care. Masyadong natuon ang atensyon ko kay Ully.
Tumugtog ang isang sweet song, Ikaw ni Yeng. Nabigla ako ng bigla niya akong hapitin papalapit sa kanya kaya napayakap ako sa kanya.
Sa tangkad niya ay hanggang dibdib lang niya ako, inilapat ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at dinig na sinig ko ang bilis ng pintig nito. Kasing bilis ng akin. Sa edad kong ito, ay alam kong hindi na dapat ako kinikilig pero hindi ko maikakaila na abot-langit ang kilig na nararamdaman ko.
"Sorry if I haven't contacted you for so long, I have to finish my research fast to be able to come home before graduation." Natawa ako dahil sa apat na taon niya sa US ay namana niya na agad ang American accent, but the way words glided in his tongue is so damn sexy. Hindi ko ma-imagine na ang lalaking kayakap ko ngayon ay ang lalaking patpatin ang geek na bestfriend ko dati.
"Ikaw...ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw..." Napangiti ako sa mga linyang ibinulong niya sa aking tenga. Napapakagat ako sa ibabang labi ko upang itago ang ngiti sa aking mukha. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng pisngi ko.
Unti-unti siyang bumitaw ng yakap sa akin at inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. Parang huminto ang oras at huminto ang kanta. Bumilis ang tibok ng puso ko ng ilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang pulang kahon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, at naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.
"Katherine Ashley De Silva, will you be with me forever?" Binuksan niya ang kahon at tumambad sa akin ang isang singsing na sobrang makinang sa aking mga mata. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. I felt a lump in my throat, parang hindi ako makapagsalita.
Now I am facing another decision, there are two chances laid upon me.
The chance to accept, and be with him forever, for better or for worse, in sickness and in health. Kahit sa anong problema, sa kahit anong unos, we will be in each others arms sa hirap at ginhawa.
The other chance is to refuse, I am afraid that we haven't seen the world to it's fullest. That we haven't explored it yet, masyado kaming nakulong sa isa't isa that we haven't seen everything yet. I am afraid that I am not enough for him...
It's weird that we face such tough decisions where we are the only ones who will need to answer and decide.
What if something happened? This is once in a lifetime decision, isang beses lang na magiging ganito ka magical ang lahat, isang beses lang, it all depends sa magiging sagot ko, but when in doubt I know that something is wrong, and I am doubting myself.
But I have to make a choice, and the chance that I will be taking is...
Napatingin ako sa paligid, tumigil na ang tugtog, lahat sila ay nag-aabang sa sagot ko.
Napatingin ako sa kanila, na parang hindi humihinga.
Napatingin ako kay Ullysis na parang kinakabahan habang nakaluhod sa aking harapan.
Huminga ako ng malalim at napayuko, pinunasan ko ang luhang tumakas sa aking mga mata.
The chance that I am chasing is...
Tumingin ako sa kanya. This is the time that I should take risks. It's better to be hurt than to regret.
"Then be my forever."
...chance to accept.
—x
Lenny's Note: It's the end. Grabe sobrang tagal kong isinulat nito, from 2013-2015. Sobrang tagal but these past few days ay talagang sinulat ko siya until the end para araw-araw ang update. Maraming salamat sa nagbasa ng kwento ng barkadang ito. Salamat ng marami. :) May mga spin-off ang kwentong ito in the future. Haha. May cameo ang ibang characters sa ibang kwento ko. Ayun lang po at maraming salamat. :)) 7/7
TO GOD BE THE GLORY
2013-2015
LEONORA GATMAITAN
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...