Writinginnosense © Stories
-
CHAPTER 75
"Rule Of Thirds"
KATH'S POV
"Are you sure kaya mo? Masyadong marami ka ng sasalihan, yung pageant at quiz bee. Both of you? Kaya niyo ba?" Tanong sa amin ni Mrs. Yuchengco, kasama rin namin si Sir Jayson na siyang magti-train sa amin para sa quiz bee. "Opo." Sabay naming sabi ni Ullysis kay Mrs. Yuchengco.
"Okay, good luck ah. Kaya niyo yan. Iwan ko na kay Sir Jayson niyo." Tumango lang kami kay Mrs. Yuchengco bago siya umalis sa office ni Sir Jayson.
"The feeling is nostalgic, parang kailan lang kayo ang tini-train ko, tapos ngayon for the last time, kayo ulit." Ngumiti lang kami kay Sir Jayson, wala sa plano ko ang pagsali ko sa quiz bee pero nung nalaman kong nag-back out yung isa dahil nagkaroon ng sakit ay hindi na ako nag-isip pa, kaya naman agad kong tinanong kung okay lang na ako yung gamitin nila.
Pumayag naman agad si Sir Jayson, and he felf ecstatic dahil sa akin. "How are you Kath? Both of you changed. Ibang-iba na yung dating niyo." Nakangiti pa rin si Sir Jayson, nakakahawa ang ngiti niya, kasi kahit ako napapaisip, sa loob ng dalawang taon, ang daming nagbago. Lalong-lalo na sa akin, pero akala ko wala na, wala na akong nararamdaman kundi galit, hindi pala. Ngayong ibinabalik ko sa kanila yung mga ginawa nila sa akin, parang hindi ko na kilala yung sarili ko.
Pero ngayon, alam kong ako ito. Si Katherine, ang laging kasama ni Ully sa quiz bee.
Nag-umpisa na kami sa pagre-review, hindi naman ako nagpabaya sa pag-aaral kaya naman walang kahirap-hirap na nasasagutan ko yung mga tanong ni Sir Jayson, nakakatuwa na ngayon ay nakikita ko si Ullysis, hindi yung laging tense, parang care-free lang, tuwing napapatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang isipin na nati-tense siya dahil sa mga ginagawa ko. And I feel bad for it. I didn't mean to drag him into this battle pero pakiramdam ko mas okay ako na may kasangga ako, na nandiyan siya para sa akin, gaya ng dati.
I felt really happy nung sinabi niyang pumapayag siya pero thesepast few days parang ayaw na niya. Kahit ako naman, napapagod ng magalit, pero tuwing nakikita kong masaya sila, and they were not repenting, kumukulo agad ang dugoko. Ako ang na-agrabyado yet ako pa ang kailangang mag-adjust, at ayoko yon.
Napalingon ako kay Ully, nagbago ang itsura niya, hindi na siya yung nerd and geek na kilala ko, but he's still the same. Thoughtful and innocent. Parehong-pareho pa rin siya ng dati na kapag nagbabasa ng libro ay sobrang nakakunot ang noo, this is his charm. Napangiti ako, kahit maraming nangyari, kahit malaki ang pinagbago ko, kahit na ganun, natutuwa ako na siya ay nananatiling ganoon pa rin, the usual.
Napalingon siya sa akin na nakakunot ang noo, ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam kung contact lens lang ba yung brown niyang mata or natural na iyon na kulay ng kanyang mata. "K-kath?" Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
Itinaas ko ang kamay ko at pinadaan ang thumb ko sa crease sa noo niya. "Kahit cute, stop doing that. Sige ka, magkaka-wrinkles ka niyan." Biro ko sa kanya, para namang na-plantsa yung kunot ng noo niya, pero nanatiling walang bakas ng emosyon ang mukha niya.
"Do you really have to do this?" Out of nowhere na tanong niya sa akin, napangiti lang ako ng tipid sa kanya. Aalisin ko na sana ang pagkakahawak ko sa kanyang noo ng hawakan niya ang kamay ko. Para akong na-kuryente sa klase ng hawak niya sa kamay ko. Napabalik ang tingin ko sa kanya, seryoso lang ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Novela JuvenilSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...