Writinginnosene © Stories
-
CHAPTER 78
"Mix and Match"
SOPHIE'S POV
Walang pasok ngayong Sunday. Grabe yung nangyari sa akin this week. Hindi ko inaasahan na ganito ka-action, men. Grabe! Shock na shock ako sa mga nangyayari and I have to unwind. Pumunta ako sa mall para bumili ng strings at CDs, masyado akong na-stress sa mga nangyayari.
Simple lang naman ang gusto ko nung sumama ako sa paglilat ni Ashley, it's because I wanted to watch over her. She's in great pain nung una ko siyang nakilala. She's a loner and she's so sad. At dahil ultra friendly ako, kinausap ko siya.
I was walking outside nung makasalubong ko ang new face sa St. Agnes, first time ko siyang makita sa school. At hindi naman ganoon kalaki ang school para hindi ko makilala ang lahat ng ka-batch ko kahit sa mukha. I heard strange rumors na isa raw siyang cheater.
Nagtayo ako ng banda no'n mga men but the thing is, mahirap maghanap ng band members pati ng vocalist. Halos lahat sila, classical music ang gusto, sa sayaw ballet, sa paboritong libangan, reading, tea ceremony and art of being a total lady. Susme! Hindi ko kaya yun, kaya naman nung na-aprubahan yung hiling kong magtayo ng banda ay ecstatic ako, aba! Syempre, nalaman kong rockers din pala yung head mistress, maka-Coldplay siya, o di ba? Astig?
Ayun na nga, meron na akong drummer at bassist ang wala lang vocalist, hindi maganda boses ko kaya pakshet wala akong mahanap, yung mga nag-audition, kumanta ng kundiman, jusko! Kahit slow rock sumakit pa ulo ko e, I was losing hope, really until one day, napadaan ako sa music room, nakita ko yung new girl na nakaupo sa harap ng grand piano, tinititigan niya. Iniisip ko nga kung may nakikita ba siyang hindi ko nakikita pero nung nag-umpisa niyang i-tipa ang mga kamay niya sa piano, heaven, pero meron pang mas he-heaven doon, nung nag-umpisa na siyang kumanta.
Fix you ng Coldplay, super slow rock and super mellow pero sobrang tagos sa puso. Na-shock ako kasi umiiyak na siya, agad naman na akong lumapit sa kanya. "Men, okay ka lang?" Takang tanong sa kanya? Umangat siya ng tingin at agad na tumayo. "S-sorry, s-sayo ba to?" Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan yung piano keys. Nagtaka naman ako, bakit ba tense na tense siya? Maganda naman ako at mukhang mabait, hindi ko siya ma-gets.
"Chill ka lang men, okay lang yan. Tensyonado ka e. Anyways, pwede bang kumanta ka ng pop song?" Nagtaka siya sa tanong ko pero kumanta naman siya, syempre meron pa ring kasabay na piano. Kinanta pa niya yung Let It Go, version ni Demi. Inunti-unti ko na, tinanong ko siya kung gusto niyang kumanta ng rock, or marunong ba siya, hindi raw. Hindi ako naniniwala kaya pinag-audition ko siya.
Nung una, ilag siya sa amin, kesyo cheater daw siya. Jusko! May kilala rin akong cheater, doble-doble yung boyfriend, mukha naman siyang hindi two-timer e. Nung una, nahihiya pa siya, pero unti-unti ginaganahan na siya, ang unang contslest na sinalihan namin ay runner up kami, kinanta niya yung I Don't Wanna Miss A Thing ni Steven Tyler.
Hanggang sa nagbago siya, physically lang syempre, tumulong ako doon no. Masaya siyang kasama pero alam kong may mali, ayun pala meron nga. Kinwento niya sa akin yun at doon ko siya mas naintindihan.
Pain changes people.
Nawala ako sa pag-iisip ng makita kong may tumatawag sa akin kaya naman agad ko itong sinagot. "Hello, men." Narinig ko ang tawa niya sa kabila.
"Ang tagal mo na akong hindi tinatawag niyan ah? Men?" Tumawa pa siya ulit. Siguro karamihan galit na galit sa kanya, kasi masyado siyang supistikada at maangas, pero ang totoo niyan, alam kong defense mechanism niya lang iyon, dahil sa loob-loob niya, takot siyang maulit ang lahat.
"Kasi men, nakaka-tense ang week na to." Pumasok na ako sa Oddessey para bumili ng bagong CD ng Silent Sanctuary at ng MLTR. "Sorry, Sophie." Napangiti ako, ilang beses niya kasing sinabi sa akin na pagbalik niya, siguradong gulo iyon pero sabi ko naman okay lang.
Hindi ko naman inaaasahang gulo is GULOOOO. Pero anyways, dahil nandito na ako, wala ng atrasan, what are friends are for? Dahil alam kong hindi lang ang ginagantihan ang masasaktan, maging ang gumaganti. In the process of destroying others, she is already destroying herself.
"Ayos lang men, bakit ka pala napatawag?"
"Nandito kasi ako sa bahay nila Maria, sama ka? Dali, nandito rin si Ullysis. Nanunuod kami ng A Tale Of Two Sisters, dali, naguguluhan na ako sa pinapanuod ko e." Natawa lang ako, natutuwa naman ako na ayos na silang magkakaibigan. Na masaya sila. "Sige, bibili lang ako. Text mo sa akin yung address." Ibinaba na namin ang tawag matapos mag-bye sa isa't isa.
Nang makita ko ang CD ng album ng Silent ay agad ko itong kinuha pero may humablot nito sa akin. "Hindi mo na ako mauunahan." Napasimangot ako nang makita ko yung Lucas, yung nakaagaw ko sa gitara. "K!! May stock pa naman." Sabi ko at agad na dinampot ang isa pang CD, pumunta na ako doon sa CD rack ng foreign bands.
At nung aabutin ko na ang CD ng Coldplay ay may umagaw na naman. "Favorite mo rin to?" Matabang na sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at kumuha ng isa pang CD, gaya-gaya.
Naalala ko na may bago rin palang album ang Paramore kaya naman naghanap ako ng CD, pagkatingin ko ay kukuha na sana siya ng CD ng hablutin ko ito mula sa kanya.
"Nakakainis na na pareho tayo ng gusto." Sabi ko sabay talikod papuntang counter, matapos nun ay dumiretso na muna ako sa DQ para bumili ng ice cream bago pumunta sa bahay ni Maria.
"Cookies and..." Napatingin ako sa likod ko na itinuloy ang sinabi ko. "...cream yung oreo." Tuluyan na akong nabwiset, bakit pareho kami ng gusto? Gusto ko siyang sapakin dahil feeling ko gaya-gaya siya.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko, isang classic Beatles song pero pagtingin ko sa phone ko ay wala namang tumatawag, napatingin ako sa kanya at nakita kong sinagot niya ang cellphone niya. What the F? Men! Nakakainis na ang coincidence ha.
Napatingin naman siya sa akin at nakakunot ang noo. Tsk! Pa-cute si men, akala mo gwapo. Psh!
Kinuha ko na ang order ko at humarap sa kanya. "Palitan mo ringtone mo, flavor na favorite, mga bandang pinakikinggan at...at..." Ngayon ko lang na-realize na para pala kaming couple dahil pareho kaming kay suot ng The Script shirt, same design and color. "At damit!!!" Namula na ang mukha ko dahil pakiramdam ko, pinagplanuhan ang lahat.
Hindi ko matanggap men. Pero bakit namumula ako?
--x
Lenny's Note: Hi! Silent reader ba kita? :) Salamat sa pagbabasa ah. Anyways, sana mag-comment ka naman. Haha. What are your thoughts about the story and by the way, there are less than 10 updates na lang. Maraming salamat po. :)
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...