Writinginnosense © 2014
***
CHAPTER 39
"Saved By Anonymous"
VENUS' POV
"Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung paano mo nagawa 'yon." Maikling sabi ko kay Lucas, my guy bestfriend. Hindi niya nga sinabi sa akin na may ganun paang nangyayari. Ewan ko ba diyan.
"Hey, move on. Please." Nakasimangot niyang sabi, well, isang taon na rin naman na kasi talaga ang nakakalipas. Our band suffered a lot during that time, lalo na nung umpisa, when we decided to push through with the band.
Tuwing may band meeting kami, lagi na lang nauuwi sa sigawan si Lucas at si Logan, at etong bestfriend ko, ayaw sumuko, hindi binababa ang pride. Sobrang gulo talaga to the point na hindi namin nagawang magperform for over 3 months that time, mahirap kasing mag-practice kapag may conflict sa grupo plus nawala na si Bianca, ang isa ko pang bestfriend. I really miss her though, kahit hindi nga siya technically part ng band parang napilayan kami, she's been with us from the very start.
Grabe kasi yun mag-support. Haay!
Well, anyways, okay na kami ngayon, okay na si Lucas and Logan pero ilag pa rin si Logan sa kanya, hindi ko rin naman siya masisisi, may pagka-gago naman talaga 'to si Lucas e.
"O, ano ng nangyari sa Alexa-ng 'yon?" Taas kilay kong tanong sa kanya. "Psh. As if you don't know." Kita mo 'to, ang sungit.
"I just wanted to hear it. Para maipaalala ko sa'yo ang katangahan mo." I crossed my arms.
"Fine. Ayun, ginamit lang ako para sumikat. Mukhang pera. She's really a btch."
"Kita mo?"
He's about to retort back nang biglang pumasok si Bianca sa band room. Napatayo ako.
Kahit sina Jonathan ay napatayo rin, si Logan nga napangiti pa, but she's not looking straight to us.
"Uhmm...sabi ni Ma'am Fonte, hindi raw niya kayo mae-excuse sa Geometry class niya, may exam daw kasi e." She said atsaka umalis na rin. Haaay!
Hindi kami nagsalita. Kakatapos lang naming magpractice, close door practice lang para sa upcoming contest.
Narinig kong nagbuntong hininga si Logan.
Hindi ko nga maintindihan kung ano bang dapat kong maramdaman nang sabihin ni Bianca na pinsan niya yung loser na 'yon e. It must have been hard for her. Nami-miss ko naman na talaga si Bianca but I just can't find myself apologizing to her, una sa lahat kasi hindi naman ako ang nagtago na pinsan ko yun, hindi naman ako yung nagsinungaling. Malay ko ba na pinsan niya yun. Hindi naman siya nagsalita until that day, when everything was too messed up to fix.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...