C23: In Love?

113 11 0
                                    

Writinginnosense Stories © 2014

***

 

 

Chapter 23

"In Love?"

 

KATH'S POV

Mas naging mahigpit ang laban sa second half ng game. Mas tumindi ang depensa ng kabilang team. Dahil sa out of focus si Lucas, sumasablay na ang bawat attempt niya to shoot. Buti na lang nandiyan si Zoey, gumagawa siya ng paraan para isalba ang team, nababawasan na kasi yung lamang namin e. Gumagaling yung kabilang team.

"Goooo..Zoey!!" I shouted. Wala ng hiya-hiya 'to. Napatingin siya sandali sa side ko at tumango. Gosh! Eto ba? Shucks! Kinikilig ako. Tango lang 'yon ah. Paano kapag ngiti at flying kiss pa? Edi nasa cloud 9 na ako?

Nalilito man ako sa nararamdaman ko ngayon, okay lang. Masarap naman sa pakiramdam. Atsaka, ngayon ko lang ulit 'to ulit naramdaman. Yung sobrang kilig na nararamdaman ko lang kapag nakikita ko noon si Van. Si Van kasi iniisnab ako e. Samantalang si Zoey, interactive. Jusko! Ano bang mga pinagsasasabi ko?

"And that was a three-point shot for Spartans, 25." Lumakas ang sigawan. Lalo na ng mga babae. Grabe! Sobrang laki ng ngiti ko. Ganito pala ang pakiramdam na ituring kang special. Yung ang haba ng buhok mo? Yung pakiramdam mo kinoronahan ka na Miss Universe? Hindi ako maganda pero bakit napakapalad ko? Sabi ko na e, dati akong santa kaya bukod akong pinagpala sa babaeng lahat. Chos!

Hawak ng kalaban ang bola. Nag-umpisang sumigaw ang buong Aloy sa audience ng "Defense!! Defense!!" at s'yempre, kasama ako sa mga sumisigaw. Basketball league talaga ang peg nito.

"Waaaaah!! Why so pogi and hot Fafa Z?!" Nababaliw na halos 'tong babaeng katabi ko dahil naagaw na naman ni Zoey yung bola mula sa mga kalaban at pumwesto ulit siya sa 3-point shoot na line at presto, naka-shoot na naman siya ng three points. Mas naging wild ang audience, pati nga yata ibang school. Dito na sa amin nagchi-cheer e. Lamang kami ng pito. Unti-unting naibabalik sa amin ang side ng laro. Go guys! Last quarter na. Kaya galingan niyo!

Hindi uso sa games ang dirty play. Dahil maraming panelist ang nakatingin. They really want to filter who's the best and who's not. At para sa first time lang ng nanuod ng laban ang dami kong alam, 'di ba? Ganun talaga. Kasi dati, sumusulyap-sulyap ako sa game. Kasali kasi dati sa baketball team si Van, ewan ko kung anong nangyari. Pero mukhang nag-quit siya para maging full-time gwapo na lang. Ayan tuloy, mukhang maaagaw ng iba ang puso ko, charotera na naman ako, as if naman willing siyang makipag-agaw para sa puso ko?

"Ano bey! Ang ingay niyo naman!!" Nakakunot noo si Maria habang nagti-Twitter at nandoon sa underground site ng school at the same time. Ina-update niya ang sarili niya sa mga totoong nangyari kanina. Ang dami kasing speculations kung ano talaga ang nangyari. Tiningnan ko kasi kanina sa phone ko. Ayun, naalala ko na naman tuloy. Napatingin ako ulit kay Lucas. Nakakaawa siya at some point pero hindi ko rin masisisi si Logan, siya etong naloko e. Kaibigan niya pa. Tama rin ang sinabi ni Logan, kung gusto niya si Alexa, dapat nakipagtuos siya para sa puso ni Alexa sa harapan ni Logan. Fair fight ba. Kaso eto rin kasing si Alexa. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ginusto niya lahat ng nangyari. Kasi in the first place, dapat naman kasi hindi niya sinagot si Logan kung mahal naman pala talaga niya si Lucas. Haist! Ang complicated ng love.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon