Writinginnosense © Stories
***
CHAPTER 49
"Possibilities"
BIANCA'S POV
"Sigurado ka bang okay ka lang?" Ilang beses na akong tinatanong ni Matthew niyan simula ng lumabas kami ng clinic. Buti na lang at ilang kalmot lang ang natamo ko mula kay Alexa, medyo swollen lang ang pisngi ko dahil sa mga sampal niya, ni hindi na ako naging aware na sinasampal niya rin pala ako kanina.
"Oo, okay lang ako." Ngumiti lang ako kay Matthew para mapaniwala ko siya. Kalalabas lang namin ng Guidance Office, hindi ako sumbungera but I know na kailangan ng proper sanction with Alexa, kaya naman nagsabi ako sa Disciplinary Head ng school tungkol sa nangyari. Nataon pala na meeting ng faculty kaya walang teacher na dumating kanina habang nagkakagulo, ipapatawag si mommy o daddy bukas para makausap ng Disciplinary Head.
"Hatid na kita sa inyo." Ngumiti lang ako kay Matthew, pero sa bawat ngiti ko sa kanya, hindi maalis sa isip ko si Logan. Argh! Logan, bakit ba ginugulo mo isip ko?
Habang naglalakad at habang nagsasalita ng nagsasalita si Matthew ay nag-vibrate ang cellphone ko. Nang i-check ko kung sino ang nagtext, si Venus lang pala. Nagtatanong kung okay lang ba ako, ni-replyan ko naman siya agad.
Pagkatapos kong i-press ang send ay nakita ko na may 1 na naklagay sa messaging icon, that means may isa pang text. Hindi ko siguro naramdaman kasi kinakausap ako ng disciplinary head kanina.
I open the message. It says, 'You know who's more stupid than a stupid person? The person trying to argue with the stupid person.' It was from my mystery texter.
Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero in some ways, parang gumaan ang pakiramdam ko. There's this turmoil in my head moments ago, pilit kong iniisip kung tama ba na hindi ko pinatulan si Alexa o dapat ba ay pinatulan ko siya and through this text, I feel somehow relieved.
'Thank you.' I replied.
'How was your day?'
'Okay naman. Magulo, pero okay lang naman.'
'Really? Are you going home now? I wish for your safety.'
'Salamat, ikaw? Pauwi ka na rin ba?'
'Yes, I was home. Pero paalis ako ulit, may pupuntahan lang, maingay sa bahay e.'
'You know me, why can't I know you?' I ask. Gusto kong malaman kung sino ba siya, kung bakit bigla siyang bumalik ulit.
'Because you just can't.'
'Whatever.' Dati naaasar na agad ako kapag ayaw niyang magpakilala pero hindi ko alam kung bakit okay na lang sa akin ngayon, siguro ganun talaga kapag kailangan mong kausap, although hindi ko siya kilala, which adds more to the fact na mas mabilis magsabi ng feelings sa taong hindi mo kilala. Closeness tends to others not make you comfortable telling everything in your mind always, minsan nagkakaroon lang ng tendency na mas mahihirapan kang mag-open up kahit ka-close mo.
'What are you doing?'
'Texting?' I ask. Obvious naman kasing nagti-text ako.
'Really? Why would I ask for something obvious. Hehe. Anyways, I just got here to some quiet place, I was actually reading a book, just saying.'
"Bianca?" Agad akong napaangat ng tingin at napatingin kay Matthew. "Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo." Nakangiti siya sa akin, mas nakaramdam talaga ako ng hiya, kasama ko siya tapos pakikipagtext ang inaatupag ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Подростковая литератураSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...