C03: EC vs. JN

219 14 4
                                    

Writinginnosense © 2014

The beauty of life does not depend on how happy you are but on how happy others can be, because of you.

----------x

CHAPTER 3

"EC vs. JN"

KATH'S POV

Kanina pa ako EC ng EC at JN ng JN, ni hindi ko pa pala nasasabi yung meaning nun at kung sinu-sino yung nasa grupo na yun.

Okay, rivalry? Sila yun. Pati mga fan girls and fan girls(?) kasama rin sa nagsasalpukang mga bato.

Uunahin ko na ang JN.

Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung paano nagkaroon ng rivalry ang EC sa kanila. Hello?

Ang JN ay isang school band ng school at bukod don, all boys sila except sa girl na vocalist ng banda nila at isama na rin natin ang bestfriend na babae ni vocalist na girl (na pinsan ko). Wait! Ang weird lang, all boy pero may girl? Anyways, parang Paramore pero siguro dahil nada-divert ang attention mula sa kanila kaya nagsimula ang rivalry sa pagitan nila.

Ang JN or Jimmy Neutron, astig di ba? Jimmy Neutron?

Nagko-consist sa 5 members.

Meaning, four boys and one girl. Plus, one girl bestfriend.

Si Jonathan Villanueva, ang lead guitarist ng banda at tumatayong leader nila. Gwapo? Check! Matinee Idol? Check! Hot? Check! Magaling maggitara? Check na check! Maganda boses? Check! KAYA LANG...bastos, walang modo at mayabang lang naman siya. So, parang wala pa rin. Lamang ang kasamaan kaysa sa kabutihan.

Si Lucas Steffan, bass guitarist. Twin brother ni Samantha Steffan ng EC. Lagi silang nag-aaway ni Samantha. Walang palya! Kapag nagkikita sila ay parang inaaway nila ang salamin na nasa harap nila. Gwapo sana kaso ang sungit! Siya ang pinakamayaman sa kanila. Pero member siya ng varsity. At hindi man halata ay bestfriend na lalaki siya ni Venus.

Si Mio Aquino, isa pang guitarist chuchu 'yan pero hindi ko alam kung ano tawag. Siya na siguro ang masasabi kong pinakamatino. Mabait, cute at laging nakangiti. Kaso...isip-bata masyado! At...prankista siya. Pero kung ise-set aside ang flaws niya (kung flaw mang maituturing 'yon)...aba't! Isa lang ang masasabi mo...PERFECT!

Si Logan Harrison, ang drummer ng grupo. Pare-pareho silang gwapo pero yung kanya lang ang gamit na gamit. Cliché but siya ang casanova sa group. Lalaking malandi! Pinapatos lahat. Pwera lang yung pangit of course. Magaling siyang mag-drum as well as magpa-cute kaya no wonder...ang lakas ng hatak niya sa girls. Sa JN, siya ang pinakamaraming fans sa underground site ng JN. At member niyan si Maria.

Si Venus Raj, joke lang! Si Venus De Guzman, ang vocalist. Siya yung tipo na kahit anong music, kaya niyang kantahin na akala mo siya yung original singer nito. Kaso.. masungit, maarte at allergic sa alikabok na hindi malaman kung allergy ba talaga o nag-iinarte lang.

At ang bestfriend na babae ni Venus. Si Bianca Sy, na happened to be my cousin sa mother's side. Close kami pero sa school hindi. Alam niyo na. Sikat sila e. Hashtag peymus talaga.

Sila! Sila ang Jimmy Neutron ang rivalry ng EC.

On the other hand, ang EC naman o Enchanted Chingdom. Joke! Hala! Kurne ko! Hehehe.

"Hoy! Nerdy girl! Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?"

Napatigil ako sa pagtawa sa sarili kong joke nung may dumaan na isang braguda sa harapan ko.

Yumuko na lang ulit ako. Panggulo naman siya. May pinapakilala pa ako e, tsaka masama na ba tumawa ngayon? Hmp!

EC or Elite Circle naman ang isang group na walang alam gawin kundi rumampa at yun na yun, well, laging sa kanila kinukuha ang pageant participants atsaka may talent naman sila sa pag-arte at pag-iinarte. Walang alam gawin kundi ganun.

Si Van Michael Tan! *__* Ang aking Hero! Yeah! That's true, although hindi niya na siguro ako naaalala pero ako alalang-alala ko pa ang tamis ng aming pinagsamahan! Hihihi. :"> Siya ang leader ng EC at gwapong-gwapo sa sarili. Gaya kanina di ba? Pinsan niya si Jessica Tan. Maputi, matangos ang ilong, kissable lips. Eeeeh! Sa kanya na yata ang pinakamahabang description ko, eeeeh! Love ko yan eh! Hihihi! :">

Si Xavier Reyes, casanova. Para ngang paramihan sila ni Logan sa girlfriends eh. Ang pinakamatagal niyang naging girlfriend ay 1 day, puro siya fling. Gwapo eh. At yummy rin daw ayon kay Maria.

Si Zoey Fernandez, ang silent type human being. Hindi nagsasalita at masungit pero ang daming fans sa fans club. Okay, crush ko rin siya. Magaling siya magbasketball eh. And take note! Team Captain siya! Ewan ko nga ba kung paano sila nagkakasundo ni Lucas sa court eh. Pero dahil magaling siya sa basketball kaya ko siya crush.

Si Jessica Tan, maganda siya, maputi, matalino at talented. Ang ganda kaya ng boses niya.. siya ang soloist ng Music club. Maganda talaga kasi ang boses niya eh. Matalino pa. Kaso maldita at masama ang ugali, you can't have it all nga naman.

Si Samantha Steffan, maganda rin siya. Kung may word man na para sa kanila siguro iisang adjective lang ang keri ko ibigay, honest ako eh. Pinakamayaman sa EC, kapatid ni snobbish Lucas. Magkaaway din sila! Swear! Pero kambal? Ang gulo right? Siya ay isang certified bratinela, what she wants is what she gets, mayaman e.

Si Kesha Sanchez, siya ang pinakamaganda sa kanila, honestly speaking, fashionista pa. May sariling boutique, yung tindahan ng gamot. Joke lang! Shocks! Kurne ko! Hahaha.

"Bakit ka tumatawa diyan nerd?"

Ayy! Tumungo na lang ako. Anu ba yan, kung kelan ako natatawa doon may nakakakita sa akin. NKKLK! Atsaka, bawal na bang tumawa? Haist! -__-

Ang taray naman niya, para siyang si Lavinia ng Princess Sarah, si Bendita ng Agua Bendita at si Gretel ng Hansel And Gretel. Teka! Di ba? Good girl si Gretel?

Oww well! Siya kasi yung leader ng fans club ng EC eh.

Back to Kesha, meron siyang boutique, ang pangalan pa nga ay.. 'Fassion', pinagsamang Fashion at Passion dahil passion daw niya ang magpaganda. Kaloka lang? May igaganda pa ba ang diyosa?

Tweet: :)

Pasensya naman! Nakalimutan ko kasi yung iti-tweet ko eh. Alam ko na!

Tweet: Gusto mong sumaya ang araw mo? Try mong i-balance ang on and off ng switch ng ilaw. XD

Then click tweet. Alam niyo ang commonality nila ay ang pangbu-bully sa akin, kay Ully at kay Maria.

O_O Ni-retweet ni Zoey. Sa kanyang account na @iamzoey. Na hindi ko sure kung sa kanya. Ang dami rin niyang poser eh.

OMG! Kailangan kong makapagwala! Kyaaaaah! Bakit ba ako kinikilig ng ganito? Naloloka na ako! Sheeet! Bakit ganito nafi-feel ko? Crush ko lang naman si Zoey eh. Siguro, first time? Awww. Why so kilig?

Sobrang kilig talaga ako. At hindi na ma-contain.

"Kyaaaaaah!!! OMG! I need fresh air! Kyaaaaahhh!!"

At hindi ako nakuntento. Nagpagulong-gulong pa ako sa damuhan. Haaaay! Sarap ng feeling.

"Ano ba? Bakit ba ang ingay mo?"

O_O

Napatigil ako sa paggulong-gulong ko sa damuhan! WTH! Nakakahiya. Bakit sa lahat ng pwedeng makakita, siya pa?

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon