C58: Big Girls Cry

80 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories
--

CHAPTER 58
"Big Girls Cry"

MIO'S POV

Kauuwi ko lang sa bahay galing sa party for Lucas, nagulat ako sa kumalat na balita through Internet, patay na ang business tycoon na si Sir Steffan Sr. Kinabahan ako bigla, alam ko kasing sobrang malapit si Samantha sa lolo niya, sobra akong nag-aalala, idagdag pa na hindi ko siya nakita kanina sa party, baka hindi niya alam to, baka sobrang nasasaktan na siya ngayon.

Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa, ipinikit ko ang mata ko pero ang tanging pumapasok sa isip ko ay ang itsura niya na umiiyak, hindi ko pa siya kahit kailan nakitang umiyak, dahil alam kong malaks siya at matatag pero hindi ko alam sa ganitong sitwasyon, ni hindi ko siya kailanman nakitang naging mahina.

Nang hindi kona matiis ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Samantha pero hindi niya sinasagot, matapos ang ilang beses ay pinatay na niya ang cellphone niya. Ang tinawagan konalang ay si Lucas para sana magtanong.

"Hello, Lucas. Condolence." Agad kong sabi. "H-how's Samantha?" Tanong ko, kinakabahan ako dahil alam kong wala siyang alam pero nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi siya nagsasalita, hindi rin siya umiiyak, ayaw niyang kausapin sila mommy, nag-aalala na ako. Mio, she needs you." Napatigil ako no'n. Paano niya nasabing kailangan ako ni Samantha? Napansin ko rin ang pag-aalala sa boses niya, hindi man halata dahil sa lagi silang nag-aaway ng kambal niya pero sa loob-loob niya ay nag-aalala siya rito.

Pero may nag-aalala ako dahil sa hindi nilamakausap si Samantha, gusto ko sanang pumunta pero alam kong wala ako sa lugar, at ang pamilya niya ang mas makakatulong sa kanya.

"Kailangan niya ako?" Tanong ko pero kahit papano ay naiisip ko na ang dahilan. "Pare, you don't have to hide it. Alam ko na naging kayo ng kapatid ko, at base sa nakikita ko, kailangan ka niya." Napatigil talaga ako ron, hindi ko alam na may alam siya. "S-sige, pag nagkita kami, susubukan ko siyang kausapin.

Ibinaba na ni Lucas ang tawag niya, hindi ko pa kailanman narinig na ganun ka-flustered ang boses ni Lucas, siguro ganon talaga kalala ang pagdadamdam ni Samantha. At base sa pagkakakilala ko sa kanya, itatago niya yun hanggang kaya niya, matiisin siya, hangga't maaari, ayaw niyang makita ng iba na mahina siya, lalo pa ngayon. Nakadagdag pa sa pag-aalala ko na nalaman kong nagsi-sigarilyo siya, sabi niya ay nagsisigarilyo siya kapag stress siya, kinakabahan ako na baka nagsisigarilyo siya ngayon.

--

Tatlong araw na na hindi pumapasok si Samantha, nag-aalala na ang mga kaibigan niya sa kanya at ganoon din ako. Pero tuwing pumupunta kami ay nasa kwarto lang siya ng lolo niya, hindi siya lumalabas, wala siyang kinakausap, hindi raw siya kumakain ng maayos, kahit pag-inom hindi niya ginagawa, hindi raw siya umiiyak, nakatulala lang daw siya sa kabaong ng lolo niya, habang hawak-hawak ang isang chess piece, namumutla na rin daw siya pero wala akong magawa kasi kahit ako, hindi niya kinakausap.

Doon lang din ang unang beses na nakita ko ang parents niya na sobrang nag-aalala dahil sa kinikilos niya, doon ko lang nakitang umiyak ang mommy niya.

Kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta ng gabing-gabi, huling lamay na rin kasi ngayon araw, at dahil sa gabing-gabi na, pakiramdam ko ay nandoon sa labas si Samantha at hindi nga ako nagkamali, pagkadating ko ay agad akong pumasok sa loob, wala siyang kasama sa loob, siya lang mag-isa habang nakaupo malapit sa kabaong ng lolo niya. May guard sa labas, at pinapasok naman ako.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at halos mapapikit ako dahil sa itsura niya, nakaitim na dress siya, sobrang putla niya, pati yung labi niya nanunuyo, at dahil sobrang putla niya, mahahalata mo yung itim na nakapalibot sa mga mata niya.

Umupo ako sa tabi niya, at napatitig sa kanya. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin sa kanyang nandito lang ako pero natatakot akong magsalita.

"Uhmm..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at naglakad palabas. Sinundan ko siya, pinapasok ko yung gwardya bago ako umalis dahil wala ng bantay kapag umalis ako, bago ako makaalis ay sinalubong ako ng isang babae.

"Sir, kaibigan ba kayo ni Miss Samantha?" Napatango lang ako sa tanong ng babae habang tinitingnan kong naglalakad si Samantha pababa ng hagdan, kinakabahan kasi ako sa gagawin niya e.

"Sir, pabigay po sa kanya ito. Binigay sa akin ito ni Sir Steffan nung araw na yun, nung araw na namatay siya. Sabi niya nararamdaman niya na raw yun nung araw na yun kaya naman pinapunta niya yung apo niya, pero..." Hindi na natuloy ng babae yung sasabihin niya dahil naiyak na siya. Dali-dali ko namang kinuha yung parang photoalbum at tiningnan siya.

"Sige po, pasabi na galing sa nurse yan, hindi ko kasi maibigay." Sabi niya at tumango lamang ako bago umalis.

Pagkababa ko ay hindi ko nakita si Samantha, pumasok pa nga ako sa CR ng mga babae, buti na lang at gabi na at walang masyadong tao. Lumabas ako ng funeral homes at nag-ikot-ikot, doon ko nakita si Samantha sa likod, nakaupo sa hagdan habang nagsisigarilyo, agad akong lumapit sa kanya at hinablot ito, agad ko itong tinapakan hanggang sa mabili yung stick. Pero parang walang nangyari, kumuha lang siya ng isa pang stick at sinidihan habang nakatingin sa kawalan. Agad ko itong kinuha, at ginawa ko ang ginawa ko kanina, pero parang ganun lang ulit, parang walang nangyari, ganun lang din, kumuha siya ulit at sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang box niya at tinapak-tapakan ito, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabulyawan ko siya. "Sa palagay mo ba matutuwa ang lolo mo kapag nalaman niyang nagsisigarilyo ka?"
That may have snapped a string to her at agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Wala kang alam!! Hindi mo kilala ang lolo ko!! Kaya wag kang magsalita!! Bakit ba lagi niyong sinasabi na hindi magugustuhan ni lolo ang ginagawa ko?!! Huh?! Kilala niya ba siya?! Huh?! Kilala niyo ba siya?!" Nagulat ako ng makita ko ang grabeng pamumula ng mukha niya habang galit na galit na nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim, naiintindihan kokung bakit galit siya. Marahan kong iniabot sa kanya yung photoalbum pero tinabig niya lang ito. "Wala kang alam!! Wala-" Agad siyang natigilan ng makita niya yung laman ng photoalbum, nabuklat kasi ito ng tabigin niya.

Doon ko lang napansin na photoalbum pala ito ng mga pictures ni Samantha noong bata pa siya, napalingon ako sa kanya na tulala sa photoalbum, natandaan ko bigla nung sinabi niya sa akin na wala siyang pictures nung bata siya sa bahay nila, lolo pala niya ang meron.

Doon ko lang na-realize kung gaano siya kamahal ng lolo niya. Pinulot ko naman agad yung photoalbum at hindi pa rin nawawala ang tingin niya roon. Habang inaangta ko ito ay may nahulog na isang picture, agad ko itong pinulot at ibinigay ko sa kanya.

Kinuha niya ito at napatulala sa picture. Tiningnan ko yung picture, siya at yung lolo niya, noong mga 4 years old yata siya, nasa balikat siya ng lolo niya at pareho silang ngiting-ngiti. Napatitig ako sa kanya at patuloy lang ang pagtitig niya rito.

Napatitig ako sa likod ng picture, may nakasulat rito. "Sam, may nakasulat sa likod." Agad niyang ibinaliktad ang picture at doon na niya hindi napigilan ang mga luha niya at agad siyang napaluhod, lumuhod din ako at niyakap siya.

"L-lolo...l-lolo..." Paulit-ulit siya ng sabi, at wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya at i-tap ang balikat niya, I don't dare say that everything is going to be alright because I can't be sure about that, pero nandoon lang ako at tahimik na nakayakap sa kanya habang humahagulgol siya sa balikat ko.

Napatingin ako doon sa likod ng picture at binasa ang nakasulat rito.

I hope to see this smile again, my princess.

--x
Lenny's Note: Hi, hindi ko na siguro ako makakapag-update agad dahil may importante akong exam next week at kailangan kong mag-review. As for the reference song para sa chapter na ito ay Big Girls Cry by Sia. :) Sorry din about this update, feeling ko kulang yung emosyon.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon