C61: Hello, Stranger

68 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

 

CHAPTER 61

"Hello, Stranger"

 

XAVIER'S POV

Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay lunch break ko na kaya naman agad akong lumabas. Takte! Schoolmate ko pala siya, kaya pala niya ako kilala, pero teka! Bakit galit siya sa akin? Iss ba siya sa mga babaeng pinaluha ko? Pero hindi e, kahit papano hindi ko pa naririnig ang boses niya mula sa mga babaeng pinatibok ko ang puso, but there is one way to find out, napangisi ako. Para saan pa na pogi ako at nag-uumapaw sa charms kung hindi ko rin naman gagamitin, di ba?

Ay mali! Lagi ko palang ginagamit, pero natural charm lang yun, ganun na talaga ako ka-gwapo pero ngayon, kailangan ko pang mas maging gwapo kung may isasagad pa ang sagad sa butong ka-gwapuhan ko.

Pumasok ako sa Students Affairs office at sakto naman na estudyante ang nagbabantay, probably scholar ng school, pagkapasok ko pa lang ay ngumiti na ako sa kanya.

"Hi, are you a bee?" Nakangisi kong tanong bago umupo sa upuan sa harap ng table. Mukha naman siyang kinabahan dahil sa gwapo kong presensya at napalunok bago magsalita. "H-huh?! B-bakit?" Tanong niya sa akin. Bahagya akong lumapit sa kanya and I flashed my killer smile.

"Can you be my honey?" At nakita kong parang muntik na siyang mahimatay, potek, charms and charms nga naman. Iba na talaga kapag sagad sa ka-pogian.

"Uhmm...a-anong k-kailangan mo?" Tanong niya, trying to save face mula sa near-faint experience niya mula sa akin, lalo pa akong napangisi. Bato na lang talaga ang hindi tatablan ng charms ko e. Bato siguro yung babaeng yun, o baka pakipot lang.

"Actually, I have something to confirm, pwede ko bang makita yung list ng info ng mga Grade 10?" Tanong ko, naalala ko kasi yung karugtong ng message, sabi from Grade 10-C raw sila, nakitext lang. So probably, hindi siya yun.

Agad naman iniabot sa akin nung estudyante yung list, nginitian ko muna siya bago ako tumingin-tingin sa Grade 10-C. Sa Student Info kasi ay nakalagay yung name and phone numbers, personal at sa parents. Buti na lang at hanggang section E lang namannsa Aloy kaya hindi na rin ako masyadong mahihirapan pa. Takte! Kung alam ko lang na taga-Aloy din pala yun, matagal ko na yung hinanap dito.

Wala siya sa Section C, kaya naman ini-scan ko naman sa B. Mawawalan na dapat ako ng pag-asa nang makita ko sa bandang dulo yung number at pangalan.

Maria Clara D. Serrano.

Napatigil ako, teka! Parang pamilyar yung pangalan e. Parang kilala ko...takte! Eto yung obsess fan ko dati, yung kaibigan nung loser, nung Katherine yata yun. Halos mamutla ako, hindi ko na to nakikita e, hindi ko na rin siya nakikitang nagpo-post sa SNS ko, hindi na rin niya ako kinukulit sa hallway, matapos umalis nung kaibigan niyang cheater, nawala na rin siya. Akala ko nag-transfer na ng school, mukhang nag-transfer lang yata ng section.

Hmm...ngayon alam ko na na may gusto sa akin yung babae, nagpapakipot lang. Hmm, mahusay. Nakuha niya ang interes ko, flavor of the week? Pwede, pero siguro 3 days lang. Sayang naman ang effort niyang pagtataray sa akin kung hindi ko siya pagbibigyan.

Agad kong isinarado yung Student Info book at ibinalik doon sa Student Assistant. Ngumiti muna ako ng nakakamatay sa kanya bago ako tuluyang umalis.

Nakangisi akong lumabas ng Student Affairs office, huli ka balbon. Ngayon, kailangan ko na lang hanapin iyon. Huli kong natatandaan, naka-pigtails pa yun, tapos mahaba yung palda at full bangs pa. Jologs at pangit ng porma, sagana sa pimples yun e.

Teka! Napaisip tuloy ako, mukhang ayoko sa kanya, off ako sa mga pangit e. Pangit na pakipot pa. Siguro sasaktan ko na lang ang damdamin niya, aba, ininsulto niya rin ako in the process kahit alam ko namang way niya yun para mapansin ko. Mwahaha!! Effective naman, pero nagkamali siya dahil ibabalik ko lang ang insulto sa kanya.

Pero dahil medyo nagugutom na ako ay pumunta na muna ako sa cafeteria, medyo madaming tao pero hindi sila umuupo doon sa spot namin, matapos kumuha ng pagkain ay umupo na ako.

"Bakit niyo ginamit phone ko ng walang paalam?" Napalingon naman ako don sa nagsalita, potek, magandang babae, bakit ngayon ko lang to nakita? Mukhang transferee e. Napahawak ako sa baba ko, pwede to, after kong insultuhin yung Clara na yun, dito ko siya ikukumpara sa babaeng to.

"Ihhh...kasi naman, walasilang load. Prepaid lang pala sila. Okay na yun, edi atleast naka-message kami kay Xavier." Napatigil ako, ahh. Baka isa sila doon sa mga nag-message sa Dedication booth na para sa akin naman message nila, napangisi ako. Siguro dahil sa mabilis akong kumilos kaya hindi pa rin yata nila ako napapansin.

Hindi na ako nakinig sa kanila matapos nun, mabilis naman ako natapos kumain at tumayo na pero dahil sa lakas ng dating ko ay napalingon silang lahat sa akin at napatigil sa pagki-kwentuhan yung nasa malapit na table. Mga nanlalaki ang mga mata. Napangisi ako, Xavier, ang bangis ng kagwapuhan mo. Iba ka!!

Dahil ito na ang tamang pagkakataon ay naglakad na ako papunta sa table nila, para naman silang naestatwa sa pagpunta ko pwera lang doon sa pinakamaganda sa table nila, na ngayon ko lang nakita.

Nakatingin ako sa kanila. "Ahh, miss?" Napatingin naman sa akin yung magandang babae na parang wala lang sa kanya ang presensya ko, ngumiti ako sa kanya, yung nakakamatay.

Pero asdfghjkl hindi niya iyon pinansin. E halos nahimatay na yung mga kasama niya sa kilig, siya prenteng-prente habang nakaupo doon at kumakain, teka! Mapapahiya yata ako rito.

"I don't know your name, but can I call you mine?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Nakarinig pa ako ng kantyaw sa cafeteria at yung mga kasama niya sa table ay halos naghuhuramentado na, bahagya lang siyang tumingin sa akin at may kinuha sa bag niya, baka abutan na ako ng singsing nito, alam ko naman na ganoon kalakas ang appeal ko but tomy surprise ay ikinabit lang niya sa cellphone niya yung earphone niya at inilagay sa tenga niya, bago siya tuluyang makinig sa music ay tumingin muna siya sa akin.

"Don't call me mine, may pangalan ako. I'm Maria Clara Serrano, by the way." At bumalik na siya sa pagkain, wait what? Ano raw yung pangalan niya? 

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon