Writinginnosense © Stories
--CHAPTER 67
"Call The Shots"JESSICA'S POV
"Z-zoey...nakalimutan kong bilhan si mommy ng coffee, nagpapabili siya sa akin." Huminto siya sa paghila sa akin at humarap. "Okay." Nag-umpisa na siyang maglakad pabalik doon sa coffee shop.
Hindi totoo na nagpabili si mommy, pinapauwi na niya ako but I don't know why I lied, minsan lang kasi dumating ang opportunity na to, so might as well grab it.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Heart, chill ka lang okay! Wag kang mag-palpitate. Para na siguro akong tanga dahil kinakausap ko ang puso ko, I just don't want to ruin this moment. Minsan lang kaming magkasama na kaming dalawa, at gusto kong sulitin iyon.
Pumasok kami sa loob at dumiretso kami sa cashier, sinabi ko naman yung gustong coffee ni mommy para hindi naman halatang hindi totoo. Hindi pa rin siya nagsasalita, nakapamulsa lang siya habang nakatingin sa labas.
"A-anong gusto mo?" Shucks! Jessica, bakit may pag-utal na nagaganap? Jessica! Please, baka i-ruin mo ang moment na to, hindi kita mapapatawad.
"No thanks." Hindi ko naman sinasadyang mapahawak sa braso niya, pipilitin ko kasi dapat siya, para akong na-kuryente sa hawak ko sa kanya. Napatingin din siya sa akin pero wala namang pinagbago ang itsura niya, poker face pa rin siya. At para hindi halatang awkward ako sa hawak ay nilubos ko na.
Humawak ako sa braso niya. "Sige na, my treat. Pinagtanggol mo ako...atsaka y-yung ano...b-basta salamat." Shucks! Jessica, you have a knack of humiliating yourself! I was about to talk about the 'girlfriend' thing. Yung sinabi niya doon sa mga lalaki, pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko tungkol doon, I just...I want to bring it up. Desperada na kung desperada pero hindi kasi ako mapalagay.
Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko siya. "I insist." I said, kinulit ko pa siya and he finally give in, um-order siya ng frappe. Of course, alam ko rin ang gusto niyang frappe pero tinanong ko pa rin dahil ayoko namang ipahalata sa kanya na alam ko, nakakahiya.
Matapos nun ay pilit akong nag-isip ng topic, yung magkaka-interes siya, pero wala akong maisip, para akong na-mental block. I was always dreaming about this moment pero ngayong ito na, para naman akong naputulan ng dila.
"Don't follow me anywhere again." Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa sinabi niya. Agad na namula yung pisngi ko dahil doon. "W-what?" Tanong ko na parang tanga, although alam ko naman na kung anong tinutukoy niya.
Naglakad na kami palabas and as soon as we got out of the coffee shop ay hinarap niya ako. "I always see you, sinusundan mo ako." I was stunned, hindi dahil sa hindi ko expected yun, pero dahil sa hiya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nag-umpisa na siyang maglakad papunta sa direksyong pinuntahan namin kanina. I have this funny urge to confess, tutal huli naman na ako, alam na niyang sinusundan ko siya, might as well tell him why.
Nanginginig ang mga kamay ko, nanlalambot ang mga tuhod, pakiramdam ko nagtindigan ang mga balahibo ko dahil sa kaba, huminga ako ng malalim.
Nakatalikod na siya sa akin samantalang ako'y nanatiling nasa pinto ng coffee shop. Okay, let's call the shots, it's now or never. "Zoey..." I call for him, bahagya siyang lumingon sa akin, anticipating my next words.
"Gusto kita. Gustong-gusto kita.." Napakagat ako sa ibang labi ko, I felt a lump in my throat after saying those, pero gumaan ang pakiramdam ko. Nakahinga ako ng maluwag. And it's weird na may tumulong luha mula sa mga mata ko. There I said it bago pa mag-back out ang isip ko, hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob but I just looked at him na hindi pa rin nagbabago ang itsura.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...