Writinginnosense © 2014
--
CHAPTER 37
"Just Let It Be"
KESHA'S POV
We won. But I don't feel like winning. Sa nangyari kanina, pakiramdam ko, talo na rin ako, how noble of me not to do anything about. I've lived my life na nakukuha ko ang gusto, why am I letting it be?
Inabot ng gabi yung pageant kaya naman bukas na kami magsi-celebrate, courtesy of Samantha. For the first time, mas gusto ko ng small celebration kaso ayaw nila, kaya let them be.
Hindi ko pa rin makalimutan yung tingin ni Van sa akin kanina. Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. And I know I might be assuming so much to say thqt we might share the same feelings with each other.
Mas lalo lang nitong pinapamukha sa akin na may gusto na nga talaga ako kay Van.
Shete.
["Hello?"] Nabalik ako sa sarili ko nang biglang may nagsalita. Napatingin naman ako sa hawak kong cellphone, nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko tinatawagan si Van? Hala! Hindi ko matandaan kung bakit! Siomai! Nag-panic naman ako bigla.
"A-uhmm...h-hindi...ano kasi..." Hindi ko alam kung paano ko itutuloy.
["Kesh, may problema ba?"] Humikab siya. Anong oras na rin pala. Naistorbo ko yata siya. Haay! Unconsciously, natawagan ko pa. "W-wala.." Ibinaba ko na ang tawag, ano ba 'to? Nakakainis naman e. Erase!! Kung pwede lang i-erase ang nararamdaman, ginawa ko na. Haaay!
Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa tumunog yung alarm ko. Eto na ba ang tinatawag na sleepless nights? Leche! In love na ba talaga ako sa mokong na 'yon? Weird but I know it's true. And I'm starting to hate it.
VAN'S POV
Weird naman ni Kesha, kanina pa 'yon nung contest e. Nanalo kami pero para namang hindi siya masaya.
Pero ang mas weird kanina ay yung napatitig ako sa mata niya, weird na weird nga. Haha. Para akong hinihigop ng mga mata niya. Nang-aakit yata. It felt like I'm in a trance. Muntik ko ng maisip na nahuhulog na ako sa kanya, mapagbiro talaga ang tanda mga tsong!
Haay! Tumawag-tawag, wala naman palang sasabihin, parang baliw. Hindi ko nga maintindihan ugali nun e. Para ngang nagbago na ugali niya e. Bumait siya ng konti sa akin. Pero konti lang. Medyo masungit pa rin siya sa akin minsan.
Pero ang bilis ng tibok ng puso ko kahapon nung nagkakatitigan kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...