C72: Target

61 10 3
                                    

Writinginnosense © Stories

-

CHAPTER 72

"Target"

KESHA'S POV

Hindi sila nagsasalita simula pa kanina, parang bumalik naman sa kani-kaniyang mundo ang mga schoolmates namin. Tahimik lang kami habang kumakain. This is madness! Naiinis ako dahil sa kanya. Kakabalik lang niya pero may ganoon na siyang patutsada. I can't believe na hinayaan ko lang siya.

Hindi ako takot sa kanya, if I just ignored her baka matapos na rin siya. Papansin lang siya, what is the harm she could do anyway? Wala. She can't do anything at all. "Don't worry about her, wala siyang magagawa against us. She's just doing a petty revenge." I said, napatingin naman sa akin sina MC and Bianca pero kapwa sila hindi nagsalita.

"Yes, she's right. She's in ASA for pete's sake. This is our territory, ano naman ang magagawa niya sa atin?" Jessica said at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm sorry." Tumayo si MC atsaka umalis, sinundan naman siya ni Xavier, I guess nanatili pa rin siya sa side ni Katherine, siguro hanggang ngayon kaibigan pa rin ang trato niya rito, kahit hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ng tinuturing niyang kaibigan.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain, na-push na namin ang usapan tungkol sa kanya, wala naman siyang kwentang pag-usapan. Napunta yung topic sa pageant na sasalihan namin ni Van, ayun naman ang highlight ng interschool competition, isasabay na rin ito sa Buwan ng Wika dahil August na rin naman na, dumating yung council vice president.

Oo nga pala, hindi na ako nagpatuloy sa council election, dagdag responsibility lang yun, naging busy rin kasi ako sa pagre-review para sa universities na papasukan namin, sila Venus magta-try sa UP, which they did nung first week ng August dahil UPCAT, samantalang kami it's either tutuloy kami sa University of St. Aloysius or Ateneo. May tita si Mio sa La Salle so baka doon siya samantalang si Lucas ay sa Oxford, dahil na rin sa business degree ang kukunin niya.

Anyways, lumapit siya sa table namin and look at me. "Kesha, hi. Pinapasabi ni Mrs. Yuchengco na hindi na ikaw ang representative for the pageant, since hindi pa rin naman na final ang pagpili sayo, siya find it neccessary na sabihin pa rin sayo." Agad akong napatayo, what? Pinaghandaan ko yun.

"As for Van, siya pa rin ang representative, bali ikaw ang napili Van and Katherine." Lalo akong naguluhan, she's new to this school paanong nakuha niya ang pageant sa akin?

"Why her?" I asked bago pa siya makaalis. Napahawak na sa kamay ko si Van. "Busy ka raw kasi sa short film kaya para makapag-focus ka roon ay naisip nilang palitan ka." Hindi na ako nakasagot pa dahil talagang nagulat ako.

This is a revelation, hindi ko alam kung anong ginawa ni Katherine para mapapayag sila sa gusto niya. "It's okay." Narinig kong sabi ni Jessica sa akin. Paano niya napapaikot ng ganito kadali ang school? Nakapasok siya then siya na ang representative, una tinalo niya ang banda, ngayon kinuha niya ang role ko, what's next? Napatingin ako kay Van, alam kong nagkagusto siya kay Van, but does that mean she wanted to steal Van from me? Mas lalo akong kinabahan but I won't show it. She's declaring a war, and might as well give it to her.

VAN'S POV

It's kind of awkward na kasama ko si Kath ngayon, I don't know she might did a favor to the school kaya nagagawa niya ang mga bagay na iyon. Napahinga ako ng malalim, kanina ng nalaman ko na hindi na si Kesha ang representative ay gusto ko ng mag-back out peroang sabi ni Kesha ay pakitaan ko raw si Kath, they said na hindi paito nagbabago, that she still likes me and I don't think they are wrong.

Gustong-gusto niya akong kasama ngayon, nagpasama siya mall. Hindi ko dapat siya sasamahan pero pinilit ako ni Mrs. Yuchengco, para makilala ko raw siyang mabuti. Napangisi ako, mga babae nga naman, gagawin ang lahat para sa mga gusto nilang lalaki.

Hindi ko alam na ganito pala siya kapatay na patay sa akin but no, I am loyal to her. Loyal ako kay Kesha, I love her so much kaya wala akong balak ipagpalit siya sa babaeng ito.

"Why are you doing this?" I asked ilang beses ko na siya tinanong niyan, nagsusukat siya ng cocktail dress dahilmay fanily reunion daw sila at para na rin sa pageant. "It is fun." Yan lang din ang paulit-ulit niyang sagot sa akin. I won't deny the fact na ang ganda niya, hindi ko alam na ganyan siya kaganda, ang hindi ko lang maatim ay yung sinister smile niya, yung parang any moment papatayin ka niya.

Well, I don't know about that, as far as I know, I never did anything to her. Alam naman na siguro niya na hinding-hindi ko siya pupuntahan noon, hindi ko siya tutulungan. Wala naman kasing nagsabi sa kanya na tulungan niya ako kaya bakit ko siya tutulungan? That's just a waste of my time.

Nakaka-boring siyang kasama, sa totoo lang, kung si Kesha mas okay pa. Kahit na magsukat pa siya ng magsukat okay lang. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko at tingin lang ako ng tingin sa orasan ko.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Aalis na, nasa garahe pala yung driver, samahan mo ako." I said, yun sa wakas makakauwi na rin, text din ng text si Kesha sa akin e.

Nung nakababa na kami ay naghihintay lang kami, wala yatang tao rito, walang gwardya. Kinuha niya mula sa akin yung paper bag niya na may lamang damit. Nagtaka ako kung bakit nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod ako, hinahanap ko pa kung anong sasakyan ang gamit nila but then something happened.

Napadapa ako dahil sa lakas ng sipa sa likod ko, napatumba ako, hindi ko na nasalag pa yung mga sipa at suntok na ibinibigay sa akin, ni hindi ko maidilat ang mga mata ko, ang sakit na ng tagiliran ko dahil sa malalakas na sipa rito.

"Ugh! S-stop." Naramdaman ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Tinapakan pa nung isa yung kamay ko. "Ahhhhhhhhhhhh!!!" Napasigaw ako sa sakit doon nila ako sinipa ulit at halos mawalan ako ng hininga dahil sa sipa at suntok sa tiyan ko. Naramdaman ko ang dugo sa ulo ko.

Ugh! God! What is this?! Hindi na ako halos makagalaw ng tumigil sila. Nakarinig ako ng pagtakbo, I don't know kung umalis na sila o hindi. Naramdaman ko na lang na may lumapit sa akin.

Palalim ng palalim ang paghinga ko, halos gusto ko ng mawalan ng malay. Then I heard her say, "Finally, you get something that is supposed to be yours. Pasalamat ka, mabait pa sila, yan lang ang natamo mo." Naramdaman ko ang bigat ng nga mata ko. Naramdaman ko ang pagbagal ng hininga ko...and everything is pitch black.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon