C60: Fire Meet Gasoline

103 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

 

CHAPTER 60

"Fire Meet Gasoline"

 

XAVIER'S POV

"XAVIER KUNG HINDI KA TUTULONG, LUMABAS KA NA LANG!!!" Napabaling ako ng tingin kay Jessica na naka-pamewang na sa harap ko. Foundation week na sa Monday at inaayos na namin ang booth naming EC which is Dedication Booth in Radio format, pero sila lang pala ang may mga inaayos dahil ako, nakaupo lang at nagti-text.

"Chill lang, Jess. Nababawasan ang ganda mo..." Nakangisi kong sagot sa kanya sabay kindat. Naiwasan ko naman yung ibinato niyang libro sa akin. "Whoah! Eto na, eto na." Sabi ko sabay tayo, ang deadly talaga ng babaeng to magalit, buti na lang yung mga babae ko, mababait sa akin, niloko ko na, nakangiti pa. Sports lang.

"Tutulong ka rin pala e. Tamad neto!" Kung nakamamatay ang tingin, baka nakabulagta na ako dahil sa klase ng tingin ni Jessica sa akin, minsan tuloy naiisip ko baka pati si Jessica nai-inlove na sa akin, wala naman na akong magagawa, ako pa ba? Isang Xavier Reyes? Bulag na lang ang hindi magkakagusto sa akin, teka! Baka bulag tong ka-text ko.

Napatigil naman ako sa paglalakad ko ng iabot sa akin ni Jessica yung mga letters na nakapatong sa styropor, nagtaka ako kaya naman tiningnan ko siya with adorable confuse look.

"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko. "Ikakabit mo sa labas, tutulong ka di ba?." Sabi niya, teka, sino bang nagsabing tutulong ako?

"Lalabas ako, di ba yun yung sabi mo?" Nagulat ako ng makita kong mag-supersaiyan si Jessica at humahablot na ng kung anong bagay kaya naman agad na akong lumabas ng dedication booth mamaya ma-damage pa ang gwapo kong mukha, mahirap na.

"XAVIER REYES!!!" Napatawa na lang ako habang naglalakad palayo sa booth. Ako? Tutulong? Patawa ba siya? Wala akong talent sa pag-aayos ng kung anu-ano, ang tanging talent ko ay ang kagwapuhan ko, na nag-uumapaw na halos wala ng mapaglagyan.

Pero mabalik ako, kaya ko nasabing bulag itong katext ko dahil ayaw na ayaw sa akin, kahit sinabi ko na ang pangalan ko, at lahat-lahat, hindi naniniwala. Gusto ko ngang magpakita e, pero ayaw pa rin, ayaw ring sagutin yung tawag ko. Siguro sagad sa kapangitan to, maganda boses niya e, halos limang buwan ko na siyang kausap pero hindi ko magawang tigilan, napansin ko nga rin na nabawasan yung pagiging chickboy ko ng 0.0001%. Ewan! Nakakaasar kasi tong katext ko e, hindi mahulog-hulog ang loob sa akin. Ako pa ang inayawan? At sa diksyunaryo ko ay wala ang salitang rejection.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at tinext siya ulit.

To: Sungit

Tawag ako? Pwedeba yun, pretty girl?

Napangisi ako, malay mo, mapapayag ko. Nag-vibrate naman ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan ang text niya.

From: Sungit

Sabi kong wag kang tatawag e, kundi hindi na kita kakausapin.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon