Writinginnosense © Stories
***
CHAPTER 5
"The Real Brat (Part One)"
SAMANTHA'S POV
Pagkababang-pagkababa namin ng EC sa limousine ko ay agad kaming sinalubong ng mga fans ng grupo namin.
Nakakairita silang lahat. Nandidiri ako sa kanila, buti na lang, lagi akong may hand sanitizer na dala.
"KYAAAAAAAAAAAAAHH! EC!!"
Sabay-sabay na sigaw nila. Wala pa ring kupas, last year hindi namin expected na ganito ka-warm ang welcome sa amin. If we just know, edi dapat noon pa lang inumpisahan na namin ang mala-tradition na grand entrance namin.
"Samantha! Regalo po sa'yo tong 2-Karat gold watch with Swarovski crystals.."
"Meron ako niyan, actually, 2 years ago pa ako meron niyan. At kung wala, kaya kong bumili ng kahit isang daang ganyan."
"P-p-pero.. Samantha, may nagpapabigay —"
"Who gave you the license to just call me by name? At wala akong pakialam kahit prinsipe pa ng Netherlands ang nagpapabigay niyan, it's so cheap!"
"Pero Sam — Miss Samantha —"
"Move!!"
I said with full authority. I don't care about people might think about me. I'm Samantha Steffan, maganda na mayaman pa. Take note! Ubod ng yaman! Kaya kong bilhin ang school na 'to!
"Ayyyy! Ang taray ni Miss Sam pero still, ang sophisticated pa rin ng dating niya."
Lumingon ako sa mga nag-uusap tungkol sa akin. Tiningnan ko lang sila na akala mo'y isang maliit na langgam.
Tumungo lang sila. That's good. Para silang mga asong utu-uto sa amo. Sunod agad. Tsk! They're disgusting. Eye sore.
"Miss Sam, idol po talaga kita — sorry po!"
Inilag ko yung kamay ko kasi hahawakan ng isang nangangamoy mahirap ang alagang-alaga kong balat. Milk bath pa naman 'to.
"Hindi pa ba kayo tapos? If you don't mind, might as well, I should go first!"
Nag-uumpisa na akong maglakad kahit hindi ko pa sila hinihintay sumagot. Para namang lupang nahati ang mga mahihirap na mga kutong-lupa na nakaharang sa daan ko.
Naglakad ako papalayo. Masyadong nakakadiri ang amoy local perfumes nila. Walang class. Ang babaho nila at ang iingay. Pupunta ako sa school garden.

BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Fiksi RemajaSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...